Umiskor ng panablang touchdown ang 2nd year na WR na si [Chaz Schilens (81) sa 10-yarda na pasa ni QB [JaMarcus Russell sa huling 35 segundo ng laro. Ipinasok ni K [Sebastian Janikowski ang sipa para sa extra point na nagbigay sa Raiders ng lamang na 20-19.
Sinindak ng Oakland Raiders ang [**
Nanalo sa coin toss ang Broncos at piniling mag-receive sa second half. Si [Gary Russell*ang sumalo sa opening kickoff ni K Matt Prater na umabot sa endzone, kaya lumuhod na lang si Russell para sa touchback sa Oakland 20. Malamig pa ang opensa ng Raiders at na-three-and-out sila kaya nag-punt si P [Shane Lechler *na sinalo ni WR Eddie Royal at dinala ang bola sa Denver 35. Sumugod ng 60 yarda ang Broncos sa 10 play at umiskor ng 23 yarda na field goal si Prater at lumamang ang Broncos ng 3-0 sa 8:40 ng unang kuwarter.
Touchback muli ang kickoff ni Prater at sa 20 nagsimula ang atake ng Raiders. Ngunit ang pasa ni Frye para kay WR [Johnnie Lee Higgins* *ay naagaw ni CB Champ Bailey sa Oakland 41. Umabot ang atake ng Broncos hanggang sa Raiders 12 pero nadepensahan ito at umatras ang Broncos para sa 43-yarda na field goal. Naging 6-0 ang lamang ng Denver sa 4:10 ng 1st kuwarter.
Naipit si Frye at nabigyan ng penalty ang Raiders dahil sa intentional grounding at nahinto ang kanilang atake. Ang 65 yarda na punt ni Lechler ay nabalik ng Broncos sa kanilang 39. Nakapasok ang Denver sa Oakland 42 bago sila napuersang mag-punt. Na shank ni P Mitch Berger ang punt at nag-out of bounds sa Oakland 34. Sinamantala ng Raiders ang magandang posisiyon at sinugod ang 66 yarda sa loob ng 5 play at nilusob ni RB [Michael Bush* *ang depensa ng Broncos para sa 23-yarda na touchdown. Sa extra point ni K Sebastian Janikowski ay kinuha ng Raiders ang lamang na 7-6 sa 13:01 ng 2nd kuwarter.
Isang down lamang ang pinalusot ng depensa ng Raiders bago nagpunt ang Broncos. Sa Raiders 35 dinala ni WR Johnnie Lee Higgins. Sumalakay ang Raiders ng 28 yarda sa loob ng 8 play at mula sa 54 yarda ay sinipa ni Janikowski ang field goal. Ito ang pang-anim na field goal ni Janikowsji sa ganitong distansya at lumamang ang Raiders ng 10-6 sa 6:40 ng 2nd kuwarter.
Hindi gumana ang atake ng Broncos at sumugod muli ang Raiders. Sa loob ng 12 play ay sumalakay ng 62 yarda ang Pilak at Itim at sumipa ng 28 yarda na field goal si Janikowski kaya tumaas ang lamang ng Raiders sa 13-6 sa huling 32 sandali ng 2nd kuwarter.
Madaling na-three-and-out ang mga Broncos at meron pang 10 sandali bago matapos ang 1st half. Nang masalo ang punt, naubos na ang oras pero nagka-penalty ang Denver kaya nagkaroon ng isang play ang Raiders at si RB [Darren McFadden* *ay lumusot ng 12 yarda bago natapos ang half.
Ang opening kickoff sa 2nd half ay tumalbog sa end zone kaya touchback ito at ang Denver ay nag-umpisa sa kanilang 20. Lumusob sila ng 47 yarda sa 12 play at ipinasok ni Prater ang 51 yarda na field goal. Nabawasan ang lamang ng Raiders sa 13-9.
Ang unang hawak sa bola ng Raider sa 2nd half ay nag-umpisa sa kanilang 20 rin. Napuersa ni LB D.J. Williams na mag-fumble si McFadden at na-rekober ng Denver ang bola sa 50. Sinamantala ng Broncos ang suwerte nila at umiskor ng TD si WR Brandon Marshall ng masalo niya ang 6-yard na pasa ni QB Kyle Orton. Kasama ang extra point, nakuha ng Broncos ang lamang na 16-13 sa 3:48 ng 3rd kuwarter.
Sa sumunod na atake ng Raiders ay umabot sila halos sa endzone dahil sa mabulusok na pagtakbo ni Bush at McFadden. Pero nabigo si Bush sa tatlong tangka na lumusot sa endzone. Tinangka pa rin ng Raiders sa 4th and goal sa 3-yardline pero nahinto si McFadden sa 1. Balik sa Denver ang bola.
Na-three-and-out sila ng Raiders at si Higgins ay sumalo ng punt ni Berger at dinala niya ang bola sa Raiders 40. Dahil sa masamang pagbagsak ni Frye siya ay nahilo at lumabas sa laro. Si JaMarcus Russell ang pumalit na quarterback. Hinid gumana ang Raiders sa 3rd and 12 at nag-punt si Lechler.
Umabot ng 78 yarda ang atake ng Broncos sa siyam na play, at ipinasok ni Prater ang 21-yarda na field goal at nadagdagan ang lamang nila sa 19-13 at 5:54 na lamang ang nalalabi sa laro.
Na-three-and-out ang Raiders at nagpunt si Lechler. Na-three-and-out din ang Broncos nang ma-sack ni DE [Greg Ellis*ang QB ng Broncos. Ibinalik ni Higgins ang punt sa Raiders 38. Bumagsak si Russell at medyo nahilo kaya pumasok si [J.P. Losman *na quarterback ng Pilak at Itim. Pagkaraan ng isang play bumalik si Russell at dinala niya ang team sa loob ng teritoryo ng Broncos, kasama rito ang conversion ng 4th and 10. Tinamaan ni Russell si WR Chaz Schilens sa gitna, at si Schillens ay nakalampas sa isang tackle sa loob ng 5 yardline at tumakbo siya ng 10 yarda para sa touchdown na panabla. Ang extra point ni Janikowski ang nagbigay ng lamang sa Raiders ng 20-19 at 35 sandali na lamang ang nalalabi.
Ibinalik ni McKinley ang kickoff sa Broncos 22 at meron 29 sandali na lamang. Pampitong sack ang ginawa ni DE Greg Ellis at napilitang mag-time out ang Denver sa huling 23 segundo ng laro. Di nakumpleto ang pasa sa second down at humarap ng 3rd and 17 sa huling 19 sandali. Nasalo ni Marshall ang pasa pero malakas ang pag-tackle ni FS [Michael Huff* *at nabitawan ang bola. Sa 4th and 17 at 13 sandali na lamang nakumpleto ni Orton ang pasa sa gitna pero naubos ang orasan at nanalo ang Raiders.
Nasa 5-9 na ang rekord ng Raiders at sila ay patungo sa Cleveland sa susunod na linggo upang harapin ang Browns sa [**
**](http://www.clevelandbrowns.com/) Stadium sa Linggo17 ng 2009 Regular Season.