Skip to main content
Raiders
Advertising

Tinalo ng Raiders ang Chiefs sa Kahindik-hindik na Overtime

110710-ford-story.jpg


Tinalo ng Oakland Raiders ang [**

internal-link-placeholder-0]* *upang i-set up ang matagumpay na field goal.

Nanalo ang Raiders sa coin toss at piniling ipagpaliban ang pagtanggap ng bola para sa 2nd half. Si Javier Arenas ang nagbalik sa opening kickoff na sinipa ni K Sebastian Janikowski at dinala niya ang bola sa Kansas City 24. Agad hinarang ng Raiders ang Chiefs sa three-and-out. Sa kanilang 20 nag-umpisa ang Raiders pagkaraan ng 44 yarda na punt, si [Nick Millerinternal-link-placeholder-0]*ang nagbalik nito, pero  nagkasala ng holding penalty ang Oakland. Bumawi din ang Chiefs ng three-and-out sa Oakland. Si Arenas ang nagbalik sa punt ni P [Shane Lechlerinternal-link-placeholder-0] *at dinala ito sa Chiefs 36. Nagka-penalty din ng illegal block ang Chiefs at inatras ang bola sa kanilang 26.

Nadepensahan ng Raiders ang 3rd and 1 at nag-punt si Colquitt. Dinala ni Nick Miller ang bola sa Raiders 23. Lumusob ang Raiders sa Kansas City 47 bago sila napuersang mag-punt. Na-touch back ang punt ni Lechler.

Nakapasok ang Chiefs hanggang sa Raiders 41 bago sila humarap ng 4th and 1. Nagkunwari ng punt ang Chiefs, ngunit di naman nagpaloko ang special teams unit ng Raiders at pinigilan ang KC. Sa kanilang 41 nag-take over ang Pilak at Itim.

Kahit na maganda ang kanilang field posisiyon, hindi rin nasamantala ito ng Raiders at napililtang mag-punt. Tinangka din ng Raiders ang pekeng punt pero nahinto si RB [Rock Cartwrightinternal-link-placeholder-0]* *at nagkulang para sa first down kaya nag-take over ang Chiefs sa Raiders 47.

Sinamantala ito ng Chiefs at natulungan pa sila ng isang pass interference at pumasok sila sa loob ng teritoryo ng Raiders. Kumunekta si QB Matt Cassel kay WR Verran Tucker para sa 11 yarda na touchdown. Kasama ang extra point ay lumamang ang Chiefs ng 7-0 at meron pang 14:31 ang 2nd kuwarter.

Ibinalik ni WR Jacoby Ford ang kasunod na kickoff sa Raiders 26. Dahil sa ulan madulas ang bola at nag-fumble si  RB [Darren McFaddeninternal-link-placeholder-0]* *at na-recover ito ng Chiefs sa Raiders 26. Umiskor ng field goal mula sa 43 yarda si Ryan Succop at ang Chiefs ay umabante ng 10-0 sa 11:08 sa orasan ng 2nd kuwarter.

Si RB Rock Cartwright ang nagbalik sa kickoff at dinala ang bola sa Raiders 29. Hindi pa rin nakasulong ang mga Raiders at muling nag-punt. Ibinalik ito ni Arenas sa Kansas City 35. Nanaig muli ang depensa ng Raiders at na-three and out ang Chiefs. Ibinalik ni Nick Miller sa Okaland 17 ang punt ni Colquitt. Muling three and out ang Raiders.

Nawala ang pagkakataon na maka-iskor ang Chiefs nang mabura ng penalty ang field goal ni Succop. Imbes na sumipa ng 51 yarda na field goal si Succop, nagtangka ng pooch punt pero umabot ito sa touchback. Si Campbell naman ay naagawan ng bola ni S John McGraw at pagkaraan na ma-review ang sitwasyon ay ipinasyang magsimula ang Chiefs sa Raiders 45.

Umabot ang Kansas City sa loob ng teritoryo ng Raiders ngunit nahinto sila nang sikwatin ni safety [Mike Mitchellinternal-link-placeholder-0]*ang isang pasa at nakuha naman ni CB [Jeremy Wareinternal-link-placeholder-0] *. Natapos ang first half at ang mga teams ay pumasok sa locker room na lamang ang Chiefs ng 10-0.

Sa opening kickoff ng 2nd half, nasindak ang lahat  nang ibalik ni Jacoby Ford ang bola ng 94 yarda para sa TD. Kasama ang PAT ay nabawasan ang lamang ng Chiefs sa 10-7 sa 14:48 sa orasan ng 3rd kuwarter.

Nag-fumble si Arenas sa pagsalo ng kickoff at na-recover ng Raiders ang bola sa Chiefs 34. Pagkaraan ng tatlong play, sumipa ng 47 yarda na field goal si Janikowski pero nagmintis sa kaliwa. Nag-take over ang Chiefs sa kanilang 37. Pumasok ang 25 yarda na field goal ni Succop at nadagdagan ang lamang ng Chiefs sa 13-7 at meron pang 9:41 ang 3d kuwarter.

Ibinalik ni Ford ang kasunod na kickoff at ibinaba niya sa Raiders 26. Lumusob ang Raiders ng 74 yarda sa loob ng 6 play, at kumunekta si QB Jason Campbell ng 2 yarda na pasa kay T [Khalif Barnesinternal-link-placeholder-0]* *para sa touchdown. Pumasok din ang extra point at lumamang ang Raiders ng 14-13 at meron pang 6:13 ang 3rd kuwarter.

Sa sumunod na posesyon ng Chiefs ay na-three and out sila at ang Raiders ay nag-umpisa sa kanilang 38 pagkaraan ng shank ni Colquitt at napenalty rin ang Pilak at Itim.

Parehong naghigpitan ng depensa ang Raiders at Chiefs. Nagpalitan sila ng three and out. Na-touchback ang punt ng Chiefs.

Lumusob ng 75 yarda sa loob ng 12 play ang Raiers bago sumipa ng 23 yarda na field goal si Janikowski at lumaki sa17-13 ang lamang ng Raiders sa 9:46 ng laro.

Sa Kansas City 14 nag-umpisa ang kanilang paglusob. Matatag ang depensa ng Raiders at na-three and out ang Chiefs. Sa punt return, nag-fumble si Nick Miller at na-recover ang bola ng Chiefs sa Raiders 30. Sinamantala ito ng Chiefs at kumunekta si Cassel kay WR Dwayne Bowe para sa 20 yarda na TD. Lumamang muli ang Chiefs sa 20-17 sa 6:13 ng 4th kuwarter.

Hindi naka-iskor ang Raiders sa sumunod na posesyon at ang Chiefs ay nag-take over sa kanilang 45. Dahil sa patapos na ang laro, makikitang inuubos nila ang oras. Mabuti na lang at nahinto sila ng Raiders sa 3rd and 11, at nakuha nila ang punt sa kanilang 25.

Sa huling dalawang minuto ng laro ay matatag na umabante ang Raiders sa loob ng 10 play at sumulong sila ng 53 yarda. Tatlong sandali na lamang ang nalabi nang sumipa si Janikowski ng 42 yarda na field goal at pumasok ito kaya naging tabla ang iskor sa 20-20, kaya dumating sa overtime ang labanan.

Nanalo sa coin toss ang Chiefs at sila ang tumanggap sa kickoff at dinala ni  Arenas ang bola sa Kansas City 10. Tatlong beses na nagtankang ipasa ang bola, pero tatlong beses na hindi kumunekta kaya na-three and out ang Chiefs sa matatag na depensa ng Raiders. Si Nick Miller ang nagbalik ng bola sa Raiders 38 at dito nagsimula ang atake nila. Tinamaan ni Campbell si Ford nang 47 yarda na pasa at ito ang nag-set up sa 33 yarda na field goal ni Janikowski.

Pumasok ang sipa ni Janikowski at nagwagi ang Raiders. Gumana ang rekord ng Raiders sa 5-4 bago sila magpapahinga ng bye week sa darating na linggo.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising