Skip to main content
Week 1: Raiders at Chargers
Advertising

Tinalo ng Redskins ang Raiders 34-13

Malamig at maulan sa Oakland nang matalo ang Raiders sa [**

**](http://www.redskins.com/) sa iskor na 34-13 sa Linggo 14 ng 2009 Regular Season sa Oakland-Alameda County Coliseum. Sa kickoff ay umaambon at ang temperadura ay nasa 54°F.

Pumiling mag-receive ang Raiders nang manalo sila sa opening coin toss. Ibinalik ni RB [Gary Russellinternal-link-placeholder-0]*ang panimulang sipa ni K Graham Gano sa Oakland 11, at doon nag-umpisa ang opensa ng Raiders sa pangunguna ni quarterback [Bruce Gradkowskiinternal-link-placeholder-0] . Hindi gumana ang drive ng Raiders at sumipa ng 68 yarda na punt si P [Shane Lechlerinternal-link-placeholder-0] *pero ang bola ay tumalbog sa endzone kaya touchback ito.

Pumasok ang opensa ng Redskins sa kanilang 20 na si Jason Campbell ang quarterback. Na three-and-out ang Redskins sa tulong ng ika-6 na sack ni DE/LB [Trevor Scottinternal-link-placeholder-0]*at nag-punt si P Hunter Smith. Ang sack ni Scott ay pinakamarami sa team. Ibinalik ang punt ni WR [Johnnie Lee Higginsinternal-link-placeholder-0] *sa Oakland 39.

Nahinto ang drive ng Raiders sa midfield at nag-punt si Lechler. Sinalo ni WR Antwaan Randle El sa Washington 24. Muling napuersa ng Raiders ang three-and-out at ang punt ni Smith ay ibinaba ni Higgins sa Oakland 29.

Ang sumunod na atake ng Raiders ay umabot ng 5 play at 56 yarda, at tinapos ito ni K [Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0]*ng field goal mula sa 34-yarda at ang Raiders ay lumamang ng 3-0 sa 4:12 sa orasan ng 1st kuwarter. Ang tampok na laro dito ay ginawa ni RB [Darren McFaddeninternal-link-placeholder-0] *nang siya ay luminya bilang wide receiver at nasapol siya ni Gradkowski at si McFadden ay humagibis ng 48 yarda.

Sa kickoff, sinalo ang bola ni WR Devin Thomas at ibinaba sa Washington 23. Kinumpleto ni Campbell ang 77 yarda sa loob ng 7-play at tinapos niya ng 6 yarda na pasa para sa TD kay TE Fred Davis. Kasama ang extra point ni Gano ay nag-lead ang Washington ng 7-3 sa huling 13 segundo ng 1st kuwarter. Dahil sa sobrang pagmamayabang ni Davis ay na-penalty ang Redskins at inatras ang kickoff sa kanilang 15.

Sa gitna ng field nadala ni Gary Russell ang kickoff. At sa loob ng 8 play ay natapos ang 50 yarda na atake ng Raiders sa 4th and goal at dinayb ni RB [Justin Fargasinternal-link-placeholder-0]* *ang 1-yarda para sa TD. Idinagdag ni Janikowski ang extra point at balik-lamang ang Raiders ng 10-7 sa 11:14 ng 2nd kuwarter.

Na-touchback ang kickoff na sinipa ni Janikowski, at mula sa kanilang 20 ay sumagot ang Redskins ng 52 yarda na drive sa loob ng 7 play. Sa layong 46 yarda, ipinasok ni Gano ang field goal at nagtabla ang iskor sa 10-10 at meron 7:27 pa ang 2nd kuwarter.

Na-fumble ni Gary Russell nang sinalo niya ang kickoff at lumabas ang bola sa Oakland 12. Napuersa sa three-and-out ang Raiders at nagpunt si Lechler. Bumawi ang Raiders ng ma-three-and-out din ang Redskins.

Sa Raiders 40 nadala ni Higgins ang punt. Sa 3rd and 2, isang 27-yard na pasa ang nasalo ni WR [Louis Murphyinternal-link-placeholder-0]* *sa 50, pero ito ay na-overturn ng mga replay opisyal.

Nagpunt ang Raiders at naka-foul ng dalawang beses, at ang Redskins ay nagka-posisyon sa kanilang 40. Na-ispatan ni Campbell si Davis at ipinasa ang 17-yarda na TD at dagdag pa ni Gano ang extra point ay lumamang ang Redskins ng 17-10 sa huling 56 sandali ng 2nd kuwarter.

Lumampas sa midfield ang atake ng Raiders pero sa layong 65 yarda, naging maiksi ang tinangkang field goal ni Janikowski. Sa halftime ay lamang ang Redskins ng 17-10.

Si Thomas ang sumalo sa opening kickoff ng 2nd half at dinala ang bola sa Washington 30. Dahil sa nasaktan si Gradkowski sa kahulihan ng 2nd kuwarter, si [JaMarcus Russellinternal-link-placeholder-0]* *ang pumasok na quarterback ng Raiders. Nadala ni Russell ang mga Raiders sa teritoryo ng Redskins at ipinasok ni Janikowski ang 54-yarda na field goal at nabawasan ang lamang ng Washington sa 17-13 at meron 8:49 pa ang 3rd kuwarter.

Si Thomas muli ang sumalo sa kickoff pero na-three-and-out ang Redskins. Gayundin na kahit naibalik ni Higgins ang punt sa Raiders 49, hindi naman gumana ang atake ng Raiders at nag-punt muli si Lechler.

Umiskor ang Redskins nang nilusot ni RB Quinton Ganther ang isang yarda para sa touchdown, at lumaki ang lamang ng Redskins sa 24-13 pero meron pang 11:22 sa 4th quarter.

Nag-umpisa ang atake ng Raiders sa kanilang 20, at tinangka ni Russell na pasahan sa gitna si WR [Chaz Schilensinternal-link-placeholder-0]* *pero nasikwat ang bola ni S LaRon Landry sa Oakland 41. Hinamon ni Coach Tom Cable ang ruling sa field, pero nabigo siya at nag-take over ang Washington.

Sinamantala ng Washington ang turnover at umiskor si Ganther nang muling lumusot siya ng isang yarda para sa touchdown. Lumayo ang lamang ng Redskins sa 31-13 lead at meron pang 9:42 sa 4th kuwarter.

Na-touchback ang kickoff, pero hindi umabante ang drive ng Raiders at na-sack pa si Russell. Na-fumble ng Redskins ang punt at nakuha ni TE [Tony Stewartinternal-link-placeholder-0]* *ang bola sa midfield.

Gayunman, hindi pa rin naka-abante ang Raiders. Nang mabalik ang bola sa Redskins, dinagdagan pa nila ang lamang nang ipasok ni Gano ang 41 yarda na field goal, at naging 34-13 ang iskor sa huling 2:47 ng laro.

Bumaba ang rekord ng Raiders sa 4-9, at sila ay dadayo sa Denver sa darating na Linggo upang harapin ang Broncos sa INVESCO Field.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising