Skip to main content
Raiders
Advertising

Tinalo ng Saints ang Raiders, 38-17

111812-gamecenter-cp.jpg

Napakagaling ang laro ni[Marcel Reeceinternal-link-placeholder-0]laban sa Saints. Photo by Tony Gonzales.

Dinaig ng New Orleans Saints ang Oakland Raiders ng 38-17 sa Linggo11 ng 2012 NFL Regular Season na ipinalabas ng USAA.

Nangunang humawak ng bola ang Raiders subalit hindi sila naka-iskor sa kanilang pambungad na atake. Pagkatapos nito ay sumulong ang Saints ng 80 yarda hanggang sa kumunekta si QB Drew Brees kay TE Jimmy Graham para sa 1-yarda na TD. Ipinasok din ang extra point at ang Saints ay lumamang ng 7-0 sa 7:53 sa orasan ng 1st kuwarter.

Sa kanilang sumunod na posesyon, na-three-and-out ang Raiders. Nagpunt si P Shane Lechler at nakuha ng bola ng Saints sa kanilang 26. Na-three-and-out din ng Raiders ang Saints. Nagpunt ang Saints at sila ay naparusahan ng kick catch interference sa punt. Sa kanilang 48 nagsimula ang atake ng Raiders. Pagkaraan ng ilang play, naagaw ni S Malcolm Jenkins ang pasa ni QB Carson Palmer at humagibis siya ng 55 yarda para sa touchdown. Kasama ang extra point ay lumamang ng 14-0 ang Saints sa 4:06 ng 1st kuwarter.

Pinatay ng Saints ang sumunod na drive ng Raiders nang isang intersepsiyon ni S Roman Harper sa endzone. Dahil sa unsportsmanlike conduct ay na-penalty ang Saints, kaya nagsimula ang New Orleans sa 10.

Napuersa ng Raiders na mag-punt ang Saints. Nagsimula sa 19 ang mga Pilak at Itim at kanilang nabawasan ang lamang ng Saints sa 14-7 nang tamaan ni Palmer si TE Brandon Myers para sa 1 yarda na TD. Idinagdag din ni K Sebastian Janikowski ang extra point.

Kahit na sa kanilang 10 nagsimula ang Saints dahil sa penalty, nadagdagan ang lamang ng New Orleans sa 21-7 laban sa Raiders. Kumunekta si Brees kay WR Lance Moore para sa 38 yarda na TD.

Sa unang pagkakataon ngayong season, hindi naka-iskor ang Raiders sa loob ng 2:00 sa 1st half. Pumasok sa locker room na lamang ang Saints ng 21-7 sa halftime.

Sa opening kickoff ng 2nd half, ibinalik ang bola ni RB Travaris Cadet ng 75 yarda. Mula rito itinakbo ni RB Mark Ingram ng 27 yarda para sa touchdown, at nagbigay ng 28-7 na lamang ang New Orleans. Naparusahan si Ingram ng taunting.

Dinala ni Rookie RB Jeremy Stewart ang kasunod na kickoff hanggang sa Raiders 34. Ipinasok ni K Sebastian Janikowski ang 40-yarda na FG at nabawasan ang lamang ng Saints sa 28-10 sa 10:22 ng 3rd kuwarter.

Na-3-and-out ng Raiders ang Saints at ang kanilang 50 yarda na punt ay ibinalik ni CB Phillip Adams sa Raiders 26. Bumawi ng 3-and-out din ang Saints at nagpunt si Lechler. Ang punt niya ay nag-out of bounds sa Saints 42.

Sinamantala ito ng Saints at pinasahan ni Brees si Moore para sa 15-yarda na TD. Lumamang ng  35-10 ang Saints sa 3:26 ng 3rd kuwarter.

Umabot ang atake ng Raiders sa New Orleans 40 bago nahinto ng Saints si Reece sa 4th and 1 at nag-take over on downs ang Saints. Umiskor ng 47-yarda na field goal si K Garrett Hartley kaya naging 38-10 ang lamang Saints sa 10:28 sa 4th kuwarter.

Ibinalik ni CB Coye Francies ang kasunod na kickoff sa Raiders 20. Umabot ang Raiders sa Saints 44 bago lumampas ang pasa ni Palmer kay WR Denarius Moore sa 4th and 5. Nag-take over on downs ang Saints, ngunit sila ay napuersang mag-punt. Sa Raiders 7 nagsimula ang kanilang atake at dinala ni Palmer ang team ng 93 yarda at winakasan niya ng 3-yarda na pasa kay rookie WR Juron Criner para sa TD (kanyang pinakaunang TD sa kanyang karera). Pumasok ang extra point at ang lamang ng Saints ay 38-17 sa huling 4:00 ng laro.

Sumipa ng onside kick si Janikowski pero nakuha ito ni Graham. Pumasok si Chase Daniel na  quarterback at kanyang inubos ang orasan para makamit ang tagumpay.

Bumaba ang rekord sa season ng Raiders sa 3-7 at sa darating na linggo patungo sila sa Cincinnati upang harapin ang Bengals.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising