Skip to main content
Raiders vs. Steelers
Advertising

Unang Tingin - Cincinnati Bengals

first-look-bengals-story.jpg

Dadayo ang Raiders sa Paul Brown Stadium sa Linggo 12 upang labanan ang Cincinnati Bengals. Nagsimulang magharap ang dalawang team noong 1968 at naglaban na ng 26 beses sa regular season. Malaki ang lamang na panalo ang Raiders, 18-8. Noong 1990, tinalo ng Raiders ang Bengals para sa AFC Divisional game upang umabante sa AFC Championship game laban sa Buffalo Bills.

Linggo 12 – Linggo, Nobiyembre 25 | Paul Brown Stadium| alas-10:00 n.u.PT | CBS

Ang Coach

Papasok na sa 10 season si Marvin Lewis bilang Bengals head coach. Meron siyang 69-74-1 regular season na rekord simula pa noong nag-take over siya na head coach noong 2003. Tatlong beses nang pumasok sila sa playoffs (2005, 2009, 2011) sa ilalim ni Lewis. Bago siya umupo sa kanyang posisyon sa Cincinnati, naging assistant head coach/defensive coordinator siya sa Washington Redskins noong 2002 at defensive coordinator para sa Baltimore Ravens noong 1996-2001. Dati rin siya na assistant coach sa Pittsburgh Steelers sa mga taon 1992-1995. Naglaro si Lewis bilang linebacker at quarterback at safety sa Idaho State.

Huling Limang Enkuentro

Pinaghandaan ng Raiders ang Bengals sa Linggo 11 ng 2009 at tinalo nila ang Cincinnati ng 20-17. Nahuli ni WR Louis Murphy ang 29-yard na pasa para sa TD. Nanguna si SS Tyvon Branch ng 11 tackles, isang sack at isang napuersang fumble. Si QB Carson Palmer ay ang nag-quarterback sa Bengals at bumato ng 207 yarda.

Sa 2006, dumayo ang Raiders sa Cincinnati pero natalo sila ng 27-10. Si QB Carson Palmer ng Bengals ay bumato ng 297 yarda at dalawang TD. Nakasalo naman si WR Ronald Curry ng Raiders ng walong pasa para sa 99 yarda at isang TD.

Tinalo ng Raiders ang Bengals ng 23-20 sa istadyum nila sa Linggo 2 ng 2003. Sumipa ng tatlong field goal si K Sebastian Janikowski  at umiskor ng isang TD si RB Tyrone Wheatley. Gumawa din ng 2.0 sack at dalawang intersepsiyon ang depensa ng Raiders.

Sa Oktubre 25, 1998, pinabagsak ng Raiders ang Bengals ng 27-10 sa Oakland. Sumugod si RB Napoleon Kaufman ng 31 beses para sa 143 yards. Parehas sila WR Tim Brown at WR James Jett na umiskor ng isang TD. Ang depensa ay nagtala ng 6.0 sack at isang intersepsiyon.

Dumayo ang Raiders sa Cincinnati noong 1995 at tinalo ang Bengals ng 20-17. Sumugod si RB Harvey Williams ng 24 beses para sa 134 yarda at isang TD. Nakahuli naman si WR Tim Brown ng apat na pasa para sa 67 yarda at isang TD. Gumawa si DE Pat Swilling ng 3.0 sack at si DT Chester McGlockton ay meron din 1.0 sack.

Mga Palabok sa Istorya

Haharapin ng Raiders ang kanilang dating 2011 head coach at 2010 offensive coordinator na si Hue Jackson, na ngayon ay assistant special teams at assistant defensive backs coach para sa Bengals.

Naglaro si WR Louis Murphy sa Florida at kasama niya ang mga Bengals na si DEs Carlos Dunlap and Derrick Harvey at S Reggie Nelson.

Maghaharapan ang mga dating mag-teammate sa Nittany Lions na si OL Stefen Wisniewski, DE Jack Crawford, LB Nathan Stupar at S Chaz Powell  ng Raiders at ang Bengal na si draft pick DT Devon Still.

Magkikita-kita muli sila TE David Ausberry, C Alex Parsons, at OL Nick Howell  ang mga kasama sa USC, sila LB Rey Mauluga at S Taylor Mays.

Naglaro si LB Aaron Curry sa Wake Forest at kasama niya si Bengals CB Brandon Ghee.

Makakaharap ni FB Owen Schmitt ang dating mga kalaro sa West Virginia na sila S Robert Sands at CB Adam Jones.

Makikita rin ni DE Matt Shaughnessy ang dating Wisconsin teammate na sina DT Nick Hayden at FB Chris Pressley.

Mga Pinili ng Bengals  sa 2012 Draft

Rawnd

Pwesto

Ngalan

Paaralan

1

CB

Dre Kirkpatrick

Alabama

1

G

Kevin Zeitler

Wisconsin

2

DT

Devon Still

Penn State

3

WR

Mohamed Sanu

Rutgers

3

DT

Brandon Thompson

Clemson

4

TE

Orson Charles

Georgia

5

CB

Shaun Prater

Iowa

5

WR

Marvin Jones

California

5

FS

George Iloka

Boise State

6

RB

Dan Herron

Ohio State

Mga Tampok na Bagong Kuha ng Bengals

G Travelle Wharton (Panthers), CB Jason Allen (Texans 2010-11, Miami 2006-10), RB BenJarvus Green-Ellis (Patriots), DE Jamaal Anderson (Colts 2011, Falcons 2007-10), DE Derrick Harvey (Broncos 2011, Jaguars 2008-10), G Jacob Bell (Rams 2008-11, Titans 2004-07), CB Terence Newman (Cowboys).

Sa susunod na serye ating titingnan ang Cleveland Browns.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising