Patungo ang The Oakland Raiders sa Miami upang sagupain ang Dolphins sa Sun Life Stadium sa Linggo 2 ng regular season. Ito ang ika-32 na enkuentro ng dalawang team na nagsimulang maglabanan noong 1966. Â Ang kanilang tunggalian ay tunay na nagkaporma noong dekada ng 1970 nang naglabanan ang Dolphins at Raiders sa mga di makalimutang laro sa kasaysayan ng NFL, pati na ang tinaguriang Sea of Hands game. Nangunguna sa panalo ang Raiders sa kanilang harapan, 16-14-1. Nabigo ang Raiders sa nakaraang tatlong enkuentro nila ngunit mukhang papalitan na nila ang resulta sa 2012.
Ang Coach at kanyang rekord: Hinirang ng Miami Dolphins ang bagong head coach na si Joe Philbin noong Enero 20, 2012. Dating Green Bay Packer si Philbin bilang offensive coordinator. Umabot ang Packers sa playoffs ng apat na beses sa huling limang season ng si Philbin ang offensive coordinator. Ang mga naging puwesto ni Philbin ay offensive line coach (2006), tight ends and assistant offensive line coach (2004-05) at assistant offensive line coach (2003). Hahawakan ni Philbin ang Dolphins team na nagtapos ng 2011 season ng record na 6-10, na nangamote sa simula na 0-7.
Huling limang enkuentro nila:
Bumiyahe ang Raiders sa Miami sa Linggo 13 noong nakaraang taon at minalas sa Dolphins  ng 34-14 sa Linggo, Disyembre 4, 2011. Naghagis si QB Carson Palmer para sa 273 yarda at dalawang TDs, at si TE Brandon Myers ay sumalo ng tatlong pasa para sa 38 yarda at si FB Marcel Reece ay nakasalo ng isang pasa para sa 38 yarda, pero hindi napigil ng depensa ng Raiders si RB Reggie Bush ng Dolphins, na tumakbo ng 100 yarda at isang TD.
Noong 2010, pinaghandaan ng Pilak at Itim ang Miami sa Linggo 12, pero kahit na si WR Jacoby Ford ay naibalik ng 101-yarda ang isang kickoff para sa touchdown, natalo pa rin ang  Raiders, 33-17. Gumawa din ng 108 receiving yards at isang TD si Ford at si WR Louis Murphy ay sumalo ng apat para sa 73 yarda. Si SS Tyvon Branch ay nanguna sa team ng siyam na tackles at isang sack.
Noong Nobiyembre 16, 2009, hinarap ng Raiders ang Dolphins sa Sun Life Stadium sa Linggo 11. Tinalo ng Miami ang Oakland sa iskor na 17-15. Nakarekord si DT Tommy Kelly ng 1.5 sack at limang tackles. Ang ka-isaisang TD ng Raiders ay na-iskor ni WR Johnnie Lee Higgins nang ibalik niya ang punt ng 93 yarda.
Umahon na panalo ang Raiders mula sa Sun Life Stadium noong 2007 sa iskor na 35-17. Lumusot si RB Justin Fargas ng 22 beses para sa 179 yarda, ang pang-anim na pinakamalaking rushing total sa isang game ng regular season sa kasaysayan ng Raiders.
Sa Linggo 12 ng 2005 season, dumayo ang Miami Dolphins upang talunin ang Raiders ng 33-21. Si RB LaMont Jordan ay tumakbo ng 23 beses para sa 97 yarda at dalawang TDs.
Mga Palabok sa Istorya
Ang Dolphins assistant coach para sa wide receivers na si Phil McGeoghan ay gumugol ng panahon sa Raiders practice squad noong 2001.
Si Miami WR Davone Bess ay lumaki sa Oakland, Calif., at pumasok sa Skyline High School.
Si RB Darren McFadden ay naglaro sa Arkansas na kasama si Dolphins T Nate Garner.
Si CB DeMarcus Van Dyke at TE Richard Gordon ay sasagupain ang dating ka teammate sa University of Miami na sina RB Lamar Miller at DE Olivier Vernon.
Si QB Terrelle Pryor at CB Chimdi Chekwa ay makakaharap ang mga dating kalarong Buckeyes na sina WR Brian Hartline, S Anderson Russell at LB Austin Spitler.
Si FB Owen Schmitt ay dating partner ni Miami RB Steve Slaton sa West Virginia at naging matagumpay sila sa opensa ng rushing. Â Habang nag-block si Schmitt, tumakbo at bumuo si Slaton para sa 1128 yarda noong 2005, 1744 yarda noong 2006 at 1051 yarda noong 2007.
Mga Pnili ng Dolphins sa 2012 Draft | |||
Rawnd |
Pwesto |
Ngalan |
Paaralan |
1 |
QB |
Ryan Tannehill |
Texas A&M |
2 |
T |
Jonathan Martin |
Stanford |
3 |
DE |
Olivier Vernon |
Miami |
3 |
TE |
Michael Egnew |
Missouri |
4 |
RB |
Lamar Miller |
Miami |
5 |
LB |
Josh Kaddu |
Oregon |
6 |
WR |
B.J. Cunningham |
Michigan State |
7 |
DT |
Kheeston Randall |
Texas |
7 |
WR |
Rishard Matthews |
Nevada |
Mga Tampok na Manlalaro na bagong kuha ng Dolphins:
CB Richard Marshall (Cardinals 2011, Panthers 2006-10), G Artis Hicks (Browns 2011, Redskins 2010, Vikings 2006-09, Eagles 2002-05), QB David Garrard (Jaguars), LB Jamaal Westerman (Jets), S Tyrell Johnson (Vikings), WR Legedu Naanee (Panthers 2011, Chargers 2007-10), LB Gary Guyton (Patriots), WR Chad Ochocinco (Patriots 2011, Bengals 2001-10)
Raiders laban sa Dolphins, Linggo, Setiyembre 16, Sun Life Stadium, CBS, alas-10:00 n.u. PT.
Ipagpapatuloy ang serye sa pagtingin sa pangatlong karibal ng Raiders sa regular season, ang Pittsburgh Steelers at sa susunod ang Denver Broncos.