Skip to main content
Raiders
Advertising

Ang Raiders Sa Linggong Ito

Panalo ang South sa Senior Bowl, 35-18
Enero 25, 2009

Nagtagumpay ang South team sa Under Armour Senior Bowl, sa iskor na 35-18 na ginanap sa  Ladd-Peebles Stadium sa tulong ng pang-MVP na pasiklab ni Pat White, isang katutubo sa kalapit-bayan ng Daphne, Alabama. Ang dating bituin ng West Virginia ay nagdala ng bola ng 126 yarda sa offense at umiskor ng isang touchdown sa 39 yarda na toss niya kay Mike Wallace sa 3rd kuwarter. Si John Parker Wilson, dating quarterback ng Alabama ay piniling Under Armour Offensive Player of the Game. Gumawa siya ng 7-of-13 para sa 56 yarda at 17 yarda na rushing. Sa mga losing team, si Brian Robiskie, dating Ohio State wide out ay piniling Most Outstanding Player ng North Team. Ang tagumpay ng South ay pangalawang magkasunod na panalo nila sa seryeng ito at ang South ay lamang sa North ng 29-25-1.

Si Henry ang Coach ng Tight Ends
Enero 26, 2009

Na-promote si Adam Henry bilang coach ng mga tight end. Si Henry ay nasa ikatlong taon na sa Raiders. Siya ay offensive quality control assistant sa kanyang dalawang taon sa Raiders. Bago siya pumasok sa Raiders, siya  ay naging assistant head coach, at isang  offensive coordinator, at receivers coach sa McNeese State University. Naka sampung season si Henry sa Mc-Neese State, at doon siya nag-coach kay B.J. Sams upang manalo ng conference player of the year, at kay Jermaine Martin, ang pinakatampok na receiver  of all-time ng Mc-Neese State. Sa nakaraan limang season, isa sa kanyang mga tinuturuan  ay nanalo bilang team MVP.

Si Paul Hackett ay Ginawang QB Coach
January 28, 2009

Itinuring si Paul Hackett bilang coach ng mga quarterback ng Oakland Raiders. Si Hackett ay tumulong sa coaching staff ng Raiders sa special projects nitong nakaraang season, at papasok na siya sa ika-40 season niya bilang coach sa kolehiyo at NFL. Nakapagsilbi na siya sa Super Bowl at sa national championship at nakapag-coach na siya ng mga pinakamahuhusay na player ng putbol at nagcoach na rin siya sa ilalim ng mga kilalang head coach. Kasama si Hackett na nag-coach sa apat na kampeon ng dibisyon, at kasama siyang nagdala sa mga team sa playoff. Ang rekord niya bilang NFL offensive coordinator ay 90-54. Sa kanyang 13 season bilang assistant coach sa NFL (1993-08), si Hackett ay nakasamang nagdala sa siyam na team patungo sa playoff. Bago siya pumasok sa Oakland, si Hackett ay naging coach ng mga quarterback ng Tampa Bay Buccaneers noong 2005-07.

Sumama si Board sa Coaching Staff
Enero 28, 2009

Sumama na si Dwaine Board sa coaching staff ng Oakland Raiders bilang coach ng defensive line. Si Board ang humawak sa pagtuturo ng defensive line ng Seattle Seahawks noong 2003-08 pagkatapos niyang magsilbi ng 23 season sa San Francisco 49ers, 10 taon na player at 13 taon na assistant coach. Sa kanyang 19 season na coach, nakapagpadala si Board ng 10 manlalaro sa Pro Bowl at nakapag-coach ng isang NFL Defensive Player of the Year. Noong 2005-07, ang mga linemen na hawak ni Board ang mga tumulong sa Seattle na maging pangalawang pinakamagaling sa sacks (136) sa buong NFL.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising