Ang Ticket Program ng Raiders ay Makakatulong sa mga Paaralan ng Oakland

082611-notebook-story.jpg


Itinalaga ng Oakland Raiders ang isang makabago at eksayting na programa upang ang bawat tao o mga negosyo ay makatutulong sa mga paaralan ng Oakland, habang sila ay masisiyahan na manood ng isang buong season ng Pilak at Itim.

Sa lahat ng bagong season tiket na mabibili at mababayaran ng buo mula Mayo uno hanggang Hunyo 30, ay ihahandog ng Raiders ang 10 porsiyento ng gross na presyo ng tiket sa Oakland Unified School District.

"Natutuwa kaming ipahayag ang pinakabagong inisiyatib para sa kabataan at komunidad at ikinagagalak namin na tulungan ang Oakland Unified School District," sabi ni Amy Trask.

Sisimulan ng Raiders ang 2012 season sa ilalim ng pambansang liwanag, nang kanilang haharapin ang Dallas Cowboys sa gabi ng Lunes, Agosto 13 sa ESPN.

Bubuksan naman ng Raiders ang 2012 regular season sa prime time, nang kanilang paghahandaan ang San Diego Chargers, ang karibal nila sa AFC West, sa Monday night, ika-10 ng Setiyembre, sa ikalawang laro sa ESPN Monday night double header.

Tawagan ang 1-800-Raiders oi-click dito para sa karagdagan impormasyon tungkol sa season ticket program.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.
Advertising