Ang Raiderville, ang napakapopular na 'tailgate party' bago mag-umpisa ang laro sa koliseo na sinimulan noong 2009, ay ibinabalik muli nitong 2010.
Ang opisyal na pagbubukas ng Raiderville ay sa Linggo, ika-19 ng Setiyembre, bago simulan ng Raiders ang kanilang 2010 regular season home game laban sa St. Louis Rams sa Oakland-Alameda County Coliseum.
"Raiderville is a fantastic tailgating experience that introduces the Raider Nation to some outstanding brands in the market," sabi ng Senior Director of Marketing and Corporate Sales na si Robert Kinnard. "Raiderville will be open throughout the regular season at every Raiders home game."
Libre sa publiko ang Raiderville, at itinatanghal ng Bud light, ang opisyal na beer ng Raiders. Makikita ito sa Parking Lot B. Meron Bud Light bar sa Raiderville at pati na ang mga flat screen na telebisyon, at maririnig na live ang LIVE 105 (105.3 KITS-FM), ang flagship na estasyon ng Raiders Radio, na ihahatid ng mga popular na personalidad ng radyo.
Ang mga fans ay makakabili nang bagong Raiders Scratchers Game ng California Lottery, o di kaya makapanood nang mga naunang laro sa NFL sa dalawang higanteng meron siyam na talampakan na LED screens, at doon din matatagpuan at makukuha ang awtograp ng mga lehendaryong manlalaro ng Raiders at mga Raiderettes, Football's Fabulous Females. Naroon din sa Raiderville ang kanilang exclusive na listahan nang masasarap na tri-tip sandwiches at pretzels at kettle corn at cotton candy, at marami pa.
Isang karagdagang itatampok sa Raiderville 2010 ay ang Family Zone, na kung saan makasali ang mga kabataan sa mga arts and crafts, o di kaya makapaglaro ng video games, o magpapintura ng mukha at makalahok sa mga inflatable na pinaglalaruan at mga obstacle course.
Ang Raiderville ay makikita sa bandang timog (South side) ng koliseo sa Parking Lot B, at ito ay bukas mula alas-8:30 a.m. hanggang alas-12:30 p.m. Mag-login sa www.raiders.com para sa karagdagang impormasyon.