Umiskor si FB [Marcel Reece sa isang 30-yarda na pass play mula kay QB [Jason Campbell .Photo by Tony Gonzales.
Dinaig ng Oakland Raiders ang [**
**](http://www.seahawks.com/) sa iskor na 33-3 sa Oakland-Alameda County Coliseum. Ang matibay na depensa ng Raiders ay nagbunga ng pinakamababang iskor na ibinigay sa kalaban simula pa noong 2002 na noon ay blinanko ng Raiders ang Chiefs, 28-0. Walong beses na na-sack ng Raiders si QB Matt Hasselbeck ng Seattle.
Ang opening kickoff ni K Olindo Mare ay ibinalik ni WR [Jacoby Ford* *at dahil sa penalty ay sa 10 yardline nag-umpisa ang Raiders. Na-three and out ng Seahawks ang Raiders at nag-punt si P [Shane Lechler at si WR Golden Tate ang sumalo sa punt at dinala niya ang bola sa Seattle 33.
Binawian din ng Raiders ng three and out ang Seahawks at dalawang beses pang na-sack nila si QB Matt Hasselbeck. Sa Oakland 29 nag-umpisa ang Raiders sa maiksing punt ni P Jon Ryan pero hindi pa rin napa-abante ang bola at nag-punt muli si Lechler. Ang 56 yarda na punt ay ibinalik ni Tate sa Seattle 22.
Pinigilan muli ng Raiders ang Seahawks sa isa pang three and out at dinala ni WR [Nick Miller*ang 41-yarda na punt sa Oakland 42. Umabante sila ng 45 yarda sa loob ng 8 play, at ipinasok ni K [Sebastian Janikowski *ang 31 yarda na field goal kaya lumamang ang Raiders ng 3-0 sa 5:14 ng unang kuwarter.
Muling three and out ang pinuwersa ng Raiders sa Seahawks, salamat sa isang holding penalty. Na-three and out din ang Raiders. Naibalik ni RB Leon Washington ang 49 yarda na punt ni Lechler sa Raiders 27. Pina-atras ng Raiders ang Seahawks kaya sa Raiders 41 na sila nag-punt. Nag-fair cach si Nick Miller sa Oakland 13.
Umabante ng 87 yarda ang Raiders sa loob ng 12 play, at sa 4th and 1 sa Seattle 30, kumunekta si QB Jason Campbell kay FB Marcel Reece para sa 30-yarda na pasa. Idinagdag ni Janikowski ang extra point at ang Raiders ay lumamang ng 10-0 sa 8:54 sa orasan ng 2nd kuwarter.
Na-touchback ang kasunod na kickoff at sa Seattle 20 nag-umpisa ang Seahawks, pero gaya ng dati, hindi sila nakalusot sa mahigpit na depensa ng Raiders at three and out muli sila. Bumagsak agad si Nick Miller sa pagsalo ng punt at sa Raiders 33 sila nag-umpisa. Umabot sa midfield ang atake ng Raiders bago sila napuersang mag-punt.
Sa wakas naka-1st down din ang Seahawks pero hindi pa rin sila nakalampas sa midfield bago nag-punt si Ryan. Three and out din ang Oakland. Nadala ni Washington ang punt ni Lechler at umabot siya sa Seattle 45. Sumipa si Mare ng 51 yarda na field goal, pero nagmintis ito. Nag-take over ang Raiders sa kanilang 41 at lumuhod si Campbell upang ubusin ang oras. Pumasok sa mga locker room ang dalawang team para sa halftime na lamang ang Raiders ng 10-0.
Sa 2nd half, ibinalik ni Washington ang opening kickoff at dinala ito sa Seahawks 14. Isang 1st down lang ang ibinigay ng Raiders bago pinuwersang mag-punt ang Seahawks. Sa Oakland 6 nagsimula ang atake ng Pilak at Itim dahil sa penalty.
Umabante ng 76 yarda ang atake ng Raiders sa loob ng 9 play, at tinapos ito ng isa pang field goal ni Janikowski mula sa 36 yarda at lumaki ang lamang ng Raiders sa 13-0 sa 9:09 ng 3rd kuwarter.
Sa Seattle 36 ibinaba ni Washington ang tinanggap na kickoff. Pumasok sa loob ng teritoryo ng Raiders and Seattle at mula sa 29 yarda ay sumipa si Mare ng field goal pero nagmintis siya. Sa Raiders 20 nag-take over ang Pilak at Itim. Umatake rin ang Raiders pero nagmintis din si Janikowski ng isang 45 yarda na field goal. Sa Seattle 35 nagsimula ng atake ang Seahawks at mahigpit pa rin ang depensa ng Raiders at na-three and out sila. Sa Oakland 14 dinala ni Nick Miller ang punt ni Ryan.
Sa sumunod na pagkakataon, sa dulo ng 82 yarda na drive sa 8 play, ay sinigurado ni Janikowski na ipinasok ang 22 yarda na field goal at lumayo ang lamang ng Raiders sa 16-0 sa huling 14:52 ng 4th kuwarter.
Gumana ang abante ng Seattle dahil sa dalawang penalty, pero sinikwat ni CB [Stanford Routt*ang isang lumilipad na pasa at ang bola ay nakuha ni SS [Tyvon Branch at dinala niya ito sa Raiders 31. Sa sumunod na play, tinamaan ni Campbell si WR [Darrius Heyward-Bey *para sa isang 69-yarda na touchdown. Kasama ang extra point ay tinambakan na ng Raiders ang Seahawks ng 23-0 at meron na lang 13:26 sa 4th kuwarter.
Sa sumunod na posesyon ng Seahawks, nasaktan sa paa si CB [Nnamdi Asomugha*at lumisan siya. Nakuha ni Raiders S [Stevie Brown *ang tinangkang onsides kick ng Seahawks at nadala niya ito sa Raiders 36.
Sa sumunod na kickoff ay na-touchback ang bola. Napuersa ng Raiders na magpunt ang Seahawks. Sa Oakland 34 nag-umpisa ang Raiders at umiskor ng touchdown si RB [Michael Bush* *mula sa 4 yarda sa huling 1:56 ng palaro. Kasama ang extra point ay naging 33-3 ang iskor para sa Raiders. Naubusan na ng panahon ang Seattle at nagwakas ang laro.
Gumanda ang rekord sa season ng Raiders sa 4-4, at kanilang paghahandaan ang mga [**
**](http://www.kcchiefs.com/) sa darating na linggo sa isa na naman labanan sa AFC Western Division.