Skip to main content
Raiders
Advertising

Broncos Inunsiyami ang Raiders, 38-24

110611-bush-story.jpg

Dinayb ni RB [Michael Bushinternal-link-placeholder-0] ang end zone pagka-salo niya sa pasa ni QB [Carson Palmerinternal-link-placeholder-0] . AP Photo.

Sa unang pagkakataon ay naging istarter si QB Carson Palmer, at kanyang kinumpleto ang 18 sa 34 na tinangkang mga pasa at gumana siya ng 312 yarda at 3  TDs, pero kinulang pa rin at nanalo ang Denver Broncos nang burahin nila ang 10 puntos na lamang ng Raiders sa iskor na 38-24 sa O.co Coliseum sa Oakland.

Nanalo ang Broncos sa opening coin toss at piniling ipagpaliban ang choice nila sa second half. Pinili ng Raiders na tumanggap sa opening kickoff. Ibinalik ni WR [Jacoby Fordinternal-link-placeholder-0] ang sipa ni K Matt Prater. Hinarang ng Broncos ang Raiders sa three-and-out at nag-umpisa ang Denver sa kanilang 23 matapos ibalik ang punt ni P [Shane Lechlerinternal-link-placeholder-0] .

Binawian din ng depensa ng Raiders ng three-and-out ang Broncos at si WR [Denarius Mooreinternal-link-placeholder-0] ay tumawag ng fair catch sa punt ni P Britton Colquitt sa Oakland 27. Umabot ang Raiders sa loob ng teritoryo ng Broncos at umiskor sila sa 48-yarda na field goal ni K [Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0] . Lumamang ang Raiders ng 3-0 sa 7:35 ng first kuwarter.

Sinalo ni TE Daniel Fells ang kickoff at dinala sa Denver 41. Salamat sa holding penalty at na-three and out ng Raiders ang Broncos. Ang punt ay ibinalik sa Raiders 8, pero dahil sa penalty nag re-kick ang Denver at ibinalik ni Moore ang punt sa Oakland 20.

At dahil din sa holding penalty, na- three and out ang Raiders ang Denver ay nagsimula sa kanilang 35 pagkaraan ng 61-yarda na punt ni Lechler. Tinapos ni QB Tim Tebow ang 5-play, at 65-yarda na drive ng isang 27-yarda na TD pass kay WR Eric Decker. Pumasok din ang extra point ni Prater at lumamang ang Denver ng 7-3 sa 1:11 ng first quarter.

Sinalo ni Ford ang kasunod na kickoff sa loob ng end zone at ito ay touchback. Natigil ang atake ng Raiders a kanilang 42, at sila ay nag-punt. Sa tulong muli ng holding penalty ay na-three and out ang Denver. Nag-fumble si Colquitt sa snap at di nya nakumpleto ang tinangkang pasa kaya nag-take over ang Raiders sa Broncos 14.

Sinamantala ito ng Raiders at hinagis ni Palmer ang kanyang unang touchdown bilang Raider kay RB Michael Bush matapos na nagdayb sa end zone ng matanggap niya ang pasa mula sa dating winner ng Heisman Trophy. Pumasok ang extra point ni Janikowski at balik-lamang ang Raiders sa 10-7 sa10:42 ng 2nd quarter.

Pagkaraan ng isang first down, napuersa ng Raiders ang punt ni Colquitt at dinalaang bola ni Moore sa Raiders 32. Maganda ang umpisa ang sumunod na drive ng Raiders pero ang mahabang pass ni Palmer para kay Moore ay naagaw ni CB Champ Bailey sa Denver 15.

Muling nag-punt si Colquitt para sa Broncos pagkaraan lang ng isang first down at ibinalik ito ni Moore sa Raiders 28. Tinapos ni Palmer ang 4-play at 72-yarda na drive ng isang 40-yarda na pasang pang-touchdown kay FB [Marcel Reeceinternal-link-placeholder-0] . Nag-lead ang Raiders ng 17-7 sa huling 1:30 ng 2nd quarter.

Dahil sa mga penalty ng Raider gumana ang drive ng Denver pero nagmintis si Prater ng isang 43-yarda na field goal at umabot sa halftime ang lamang ng Raiders ng 17-7.

Ang show sa halftime ay tungkol sa isang special military family reunion at itinampok ang isang tatay na nagbalikbayan matapos na mag-serbisyo ng 10 buwan sa Afghanistan. Inilihim ang reunion nang nagkunwaring field goal kicking lamang ito at ang sundalo ay nagsuot ng uniporme ng Raiders at helmet na meron dark shield upang itago ang kanyang tunay na katauhan. Ipalalabas ang reunion sa palabas na *Coming Home *sa Lifetime TV.

Ang opening kickoff sa second half ni Janikowski ay tumalbog sa end zone para sa touchback at sa kanilang 20 nag-umpisa ang Denver. Dinala ni Tebow ang Broncos ng 80-yarda at tinapos niya ito ng 26-yarda na TD pass kay WR Eddie Royal. Ang extra point ay pumasok at nabawasan ang lamang ng Raiders sa 17-14 sa 10:48 ng 3rd quarter.

Ang kasunod na kickoff ni Prater ay na-touchback. Sumagot din si Palmer ng 80-yarda na drive at ipinasa niya kay Ford para sa 18-yarda na TD. Kasama ang extra point ni Janikowski at lumamang ang Raiders sa 24-14 .

Sumagot din agad ang Broncos at ipinasok ni Prater ang 43 yarda na field goal kaya lumiit sa 24-17 ang lamang ng Raiders sa 2:52 ng 3rd quarter.

Pasulong ang drive ng Raiders nang maagaw ng Denver ang nadaplisan na pasa ni Palmer at ibinalik ang bola sa kanilang 40. Humagibis si RB Willis McGahee ng 60-yarda na touchdown at extra point ng Prater at nagtabla sa 24-24 sa katapusan ng 3rd quarter.

Si RB [Taiwan Jonesinternal-link-placeholder-0] ang sumalo sa kickoff at dinala sa Oakland 27. Na-three and out ang Raiders at nag-punt. Ang drive ng Broncos ay humantong din sa punt. Ang sumunod na drive ng Raiders ay gayundin at nag-punt si Lechler.

Sinuwerte si Royal nang ibalik niya ang punt ng 85 yarda para sa touchdown. Lumamang ang Denver ng 31-24 sa 5:53 ng 4th quarter.

Ang kasunod na kickoff ay tumalbog sa end zone para sa touchback. Dumating sa kanilang 46 bago napuersa sila ng Denver na mag-punt. Lumaki ang lamang ng Denver nang itakbo ni McGahee ang bola para sa 24-yarda na TD. Lumamang sa 38-24 ang Broncos sa 1:53 ng 4th quarter.

Bumaba ang rekord ng Raiders sa 4-4 at patungo sila sa San Diego para sa Thursday Night Football laban nil ng San Diego Chargers sa QUALCOMM Stadium sa NFL Network.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising