Bumagsak ang Raiders sa Chiefs, 28-0

102311-bush-story.jpg

Dinala niRB Michael Bush (29) ang bola ng 17 beses para sa 99 yarda kasama itong gumana siya ng 35 yarda. AP Photo.

Tinalo ng Kansas City Chiefs ang the Oakland Raiders sa iskor na 28-0 sa O.co Coliseum ng Oakland sa Linggo 7 ng 2011 NFL Regular Season. Hindi nakayanang mangibabaw ang Raiders sa anim na intersepsiyon na ginawa ng Chiefs, na ang dalawa nito ay humantong sa touchdown. Si Kyle Boller ang naging istarter na quarterback pero napalitan siya sa 2nd half nang bagong upa na si Carson Palmer .

Nanalo ang Raiders sa opening coin toss at pinasiyang ipagpaliban ang kanilang pagpili sa pagtanggap ng bola sa 2nd half. Nagpasiya ang Chiefs na tanggapin ang bola sa umpisa ng laro. Ibinalik ni CB Javier Arenas ang opening kickoff ni K Dave Rayner sa Kansas City 23. Hinarang ng Raiders ang Chiefs sa three-and-out at pagkaraan na maibalik ni WR Denarius Moore ang punt ni P Dustin Colquitt, nagsimula sila sa kanilang 48

Subalit pagkaraan ng ilang play, naagaw ni S Kendrick Lewis ang pasa ni Boller at kanyang dinala ng 59 yarda para sa touchdown. Pinasok din ni K Ryan Succop ang  extra point at agad lumamang ang Chiefs ng 7-0 sa 12:35 ng 1st quarter.

Si RB Taiwan Jones ang tumanggap sa kasunod kickoff at ito ay touchback sa Raiders 20. Binara din ng Chiefs ang Raiders sa three and out at nag-fair catch si Arenas sa 53 yarda na punt ni P Shane Lechler at itinalaga ang bola sa Kansas City 20.

Binara muli ng Raiders ang Chieffs at naibalik ang bola sa kanila at kumuha sila ng first down. Pero di nagtagal sa kanila ang bola nang agawin sa Kansas City 39 ni CB Brandon Flowers ang pasa ni Boller.

Sinamantala ito ng Chiefs at pagkaraan ng 61 yarda na drive, itinakbo ni FB Le'Ron McClain ang bola para sa 1-yarda na touchdown. Pumasok muli ang extra point ni Succop at lumamang ang Chiefs ng 14-0 sa 1:53 ng 1st kuwarter.

Sinalo ni Ford ang kasunod na kickoff sa end zone at binaba ang tuhod para sa touchback. Humantong ang Raiders sa Chiefs 1 at doon humarap ng 4th and goal, pero hindi nakalusot si RB Michael Bush at nag-take over on downs ang Chiefs sa 11:32 ng 2nd quarter.

Binara muli ng Raiders ang Chiefs sa three and out at ang punt ni Colquitt ay lumabas sa  Oakland 49. Napawalang bisa ang drive ng Raiders dahil sa mga penalty at nag-punt si Lechler.

Umabot sa gitna ng field ang Chiefs bago sila napuersang mag-punt.  Sa Raiders 2 nag-umpisa ang kanilang atake, at gumana sila ng mga yarda, pero naagaw ang pasa ni Boller ni CB Brandon Carr at napabagsak siya sa Kansas City 12. Patapos na ang 1st half at bumato ng Hail Mary si Cassel pero ang bagitong Raiders safety na si Chinedum Ndukwe ang siyang nakakuha sa pasa. Lamang ng 14-0 ang Chiefs sa halftime.

Ang opening kickoff ni Succop ay umabot sa touchback. Na-three and out muli ang Raiders, at tinambakan sila ng Chiefs nang kunin ni Arenas ang snap habang sila ay nasa Wildcat formation at dinala niya sa end zone mula sa 8 yarda. Pumasok muli ang extra point at naging 21-0 ang lamang ng Chiefs sa 10:25 sa 3rd kuwarter.

Ang kickoff ay muling na-touchback at pumasok na quarterback si Carson Palmer. Nakumpleto niya ang unang pasa niya na 18-yarda kay WR Darrius Heyward-Bey , at dahil sa masamang pagsunggab sa kanya ng Chiefs ay nakinabang ang Raiders ng 15-yarda na penalty at umabot sila sa teritoryo ng Chiefs. Pero nabigo pa rin ang drive at nag-punt si Lechler.

Na-three and out ng Raiders ang Chiefs, at gayundin na binawian ng three and out ang Raiders. Nag-drive ang Chiefs at na-intersep ang bola ni CB DeMarcus Van Dyke sa Raiders 23. Ito ang kauna-unahang intersepsiyon ni Van Dyke.

Gumana ng mga yarda ang Raiders pero isang paltos na pasa ang inihagis ni Palmer at sinakmal ito ni Brandon Flowers at ibinalik ng 55 yarda para sa touchdown. Lumayo ang lamang ng Chiefs sa 28-0 sa huling 14:20 ng laro.

Maiksi ang kickoff at na-multahan muli ang Chiefs dahil sa di maayos na pag-uugali ng isang player ng Chiefs, at nakuha ang bola sa 40. Umabante ang Raiders sa loob ng Chiefs , pero muling inagaw ang bola ni safety John McGraw ang nadaplisan na pasa ni Palmer sa Chiefs 14.

Hindi rin gumana ang atake ng Chiefs at nag-punt sila. Ibinalik ang bola ni Moore at dahil sa facemask penalty sa Chiefs, nag-umpisa ang Raiders sa kanilang 33. Subalit pagkaraan ng ilang play, naagaw ni Travis Daniels ang pasa ni Palmer kay WR Louis Murphy .

Na-three and out ang Chiefs. Gayundin ang Raiders at meron na lang 5:39. Umabot ang Chiefs sa Raiders 10 at doon hinayaan ni Cassel na maubos ang orasan.

Bumaba sa 4-3 ang rekord ng Raiders at sila ay magpapahinga dahil sa bye week nila ang darating na linggo. Pahahandaan nila ang Denver Broncos sa Linggo, Nobiyembre 6 sa O.co Coliseum ng Oakland sa Linggo 9 ng 2011 NFL Regular Season.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.
Advertising