Skip to main content
Raiders
Advertising

Bumagsak ang Raiders sa Steelers 35-3

Tinalo ng [**

internal-link-placeholder-0] bilang quarterback sa 3rd kuwarter ngunit hindi pa rin nadala ni Gradkowski na makahabol ang Pilak at Itim.

Nanalo ang Steelers sa opening coin toss at piniling mag-receive. Sa unang posesyon pagkaraan ng kickoff, nag-umpisa ang Steelers sa kanilang 23. Napigil sila ng Raiders sa three-and-out. Pagsalo ng punt, ang Raiders ay umatake mula sa kanilang 28. Sa loob ng 7 play ay gumana sila ng 49 yarda, at ipinasok ni K [Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0] ang 41-yarda na field goal na nagbigay ng lamang na 3-0 sa Pilak at Itim sa 9:50 ng unang kuwarter.

Napigil muli ng Raiders ang Steelers sa isa pang three-and-out at si [Nick Millerinternal-link-placeholder-0] ay napabagsak sa Raiders 11 nang saluhin niya ang punt ni P Daniel Sepulveda. Kumuha ng first down ang Raiders pero hindi na sila naka-abante pa. Sa sumunod na posesyon ng Steelers, pagkaraan ng maiksing pagbalik sa 54 yarda na punt ni P [Shane Lechlerinternal-link-placeholder-0] ay nag-umpisa sila sa kanilang15.

Umabante ng 85 yarda sa loob ng 14 play ang Pittsburgh at sila ay lumamang nang si RB Rashard Mendenhall ay umiskor sa 5-yarda na touchdown run. Pumasok din ang extra point at ang iskor ay 7-3 sa 13:29 ng 2nd kuwarter.

Si WR [Jacoby Fordinternal-link-placeholder-0] ang nagbalik sa kasunod na kickoff at ibinaba ang bola sa Raiders 25. Na-three-and-out ang Raiders sa masikip ang depensa ng Steelers. Isang holding penalty ang nagpawalang saysay sa touchdown na nakuha sa punt return at ang Steelers ay nagsimula sa kanilang 24.

Umabot sa midfield ang sumunod na drive ng Pittsburgh bago napilitang mag-punt muli si Sepulveda dahil sa matatag na depensa ng Raiders at sinalo ni Nick Miller ang punt sa Raiders 10. Na-three-and-out ang Raiders at si WR Antonio Brown ang nagbalik sa 48 yarda na punt ni Lechler at dinala ang bola sa Pittsburgh 44.

Lumaki ang lamang ng Steelers sa 14-3 nang hinatak ni QB Ben Roethlisberger ang team ng 56 yarda sa loob ng 7-play at tinapos niya ng 16-yarda na scramble para sa touchdown. Idinagdag ni K Shaun Suisham ang extra point.

Nawalang-bisa ang kickoff return ni Ford dahil sa penalty at nagsimula ang drive ng Raiders sa kanilang 10. Ngunit nag-fumble sila at na-agaw ang bola ng Steelers sa Raiders 35. Nasalo ni WR Emmanuel Sanders ang TD pass at kasama ang extra point ay naging 21-3 ang lamang ng Steelers sa huling 1:26 ng 2nd kuwarter.

Pagkaraan na maibalik ni Ford ang kickoff sa Raiders 23, na-three-and-out sila at nag-punt si Lechler. Nagkaroon ng penalty sa punt bago natapos ang half sa iskor na 21-3 para sa Steelers.  

Sa pagbukas ng 2nd half ibinalik ni Ford ang kickoff sa Raiders 26. Hindi gumana ang drive ng Raiders. Nag-umpisa ang drive ng Steelers sa kanilang 28, at na-three-and-out din sila.

Naging mahigpit ang labanan sa 3rd kuwarter, at parehong ayaw bumigay sa atake ng kalaban. Ibinalik ni Nick Miller and punt ni Sepulveda sa Raiders 27. Hindi pa rin naka-abante and drive ng Raiders. Gayundin na napako ang Steelers. Palpak muli ang Raiders at ang punt ni Lechler ay naibalik sa Oakland 33.

Nakayanang pigilin ng depensa ng Raiders ang atake ng Steelers at nag-punt si Sepulveda. Na-touchback ang 39-yarda na punt at pumasok si Bruce Gradkowski na quarterback. Nakapasok ang Raiders sa loob ng teritoryo ng Pittsburgh ngunit naagaw ni S Troy Polamalu ang pasa ni Gradkowski at ibinalik sa Steelers 46.

Pagkaraan ng dalawang play, umiskor si WR Mike Wallace sa 52-yarda na TD pass. Pumasok din ang extra point at lumayo na ang Pittsburgh sa 28-3 at meron pang 14:49 ang nalalabi sa 4th kuwarter.

Ibinalik ni Nick Miller ang kickoff sa Raiders 20. Kumuha ng first down ang Raiders bago napilitang mag-punt. Na fair catch ang sipa ni Lechler sa Steelers 14. Kumuha rin ang Steelers ng first down bago sila nag-punt. Dinala ni Nick Miller ang punt sa Oakland 16. Gayundin na kumuha ng first down at punt din ang sinapit ng Raiders. Sa sariling 17 nag-umpisa ang Steelers pagkaraan ng punt.

Nag-fumble si Mendhenhall at naagaw ng Raiders ang bola nang ma-rekober ito ni LB [Quentin Grovesinternal-link-placeholder-0] sa Oakland 24. Hindi na-convert ng Pilak at Itim ang 4th and 3 kaya nag-take over on downs ang Steelers sa Raiders 41. Sa huling 1:12 ng laro, naka-touchdown ang Steelers sa pamamagitan ng screen pass at lumaki ang lamang ng Steelers sa 35-3.

Bumaba ang season rekord ng Raiders sa 5-5 at pabalik sila sa Oakland upang harapin ang [**

**](http://www.miamidolphins.com/) sa Linggo 12 ng aksiyon sa 2010 Regular Season.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising