Sa Linggo 16 ng 2009 Regular Season, tinalo ng Cleveland Browns ang Oakland Raiders sa iskor na 23-9 sa Browns Stadium sa Cleveland. Nang mag-umpisa ang laro, malamig na 34°F na hangin ang umihip ng 6-12 mph mula sa SW. Winasak ni K [Sebastian Janikowski ang sariling team rekord para sa pinakamahabang field goal nang sumipa siya ng 61-yarda na FG. Pangatlong pinakamahaba na FG ito sa buong kasaysayan ng NFL.
Nanalo ang Raiders sa opening coin toss at piniling mag-receive. Ang opening kickoff ni K Phil Dawson ay ibinaba ni FB [Marcel Reece sa loob ng endzone kaya touchback ito. Ang nangunang quarterback ng Raiders ay si [Charlie Frye . Pagkaraan ng dalawang play lamang, ang pasa ni Frye para kay RB [Darren McFadden ay naagaw ni David Bowens at dinala niya ang bola sa Raiders 17. Si Derek Anderson ang istarting quarterback ng Browns. Pagkaraan ng dalawang play, nakalusot si RB Jerome Harrison ng 17 yarda para sa touchdown. Kasama ang extra point ni Dawson at lumamang ang Browns ng 7-0 at meron 13:32 pa ang 1st kuwarter.
Si Reece muli ang sumalo sa kickoff at dinala niya ang bola sa Oakland 26. Na-three-and-out ang Raiders at nag-punt si P [Shane Lechler ng 53 yarda at ibinalik naman ni WR Joshua Cribbs sa Cleveland 31. Sumugod ang Browns ng 45 yarda sa loob ng 10 play at sumipa ng 42 yarda na field goal si Dawson kaya nadagdagan ang lamang nila sa 10-0 sa 8:16 ng 1st kuwarter.
Sinalo ni RB [Gary Russell ang kickoff at dinala niya sa Raiders 26. Umabot sa Browns 26 ang atake ng Raiders at sa loob ng 9 play ay sinugod ang 48 yarda. Humantong ang opensa sa 44 yarda na field goal ni K Sebastian Janikowski. Nabawasan sa 10-3 ang lamang ng Browns sa 2:48 sa 1st kuwarter.
Ang kickoff ni Janikowski ay sinalo at dinala ni Harrison sa Cleveland 25. Na-three-and-out ng Raiders ang Browns dahil sa tatlong tackles nila. Nag-punt si P Reggie Hodges at dinala ni WR [Johnnie Lee Higgins ang bola sa gitna ng field. Kahit na maganda ang posisyon hindi naman naka-abante ang Raiders at nag-punt si Lechler nang umabot sila sa 4th and 8 sa 48. Si Cribbs ang sumalo sa punt at natapos ang 1st kuwarter.
Muling na-three-and-out ng Raiders ang Browns at nag-punt si Hodges. Sumenyas ng fair-catch si Higgins pero tinamaan pa rin siya pagkasalo niya ng bola. Na-penalty ang Browns at sa Browns 30 nag-umpisa ang atake ng Raiders. Ganoon pa man hindi pa rin umabot sa end zone ang mga Raiders at umiskor na lang sa 34 yarda na field goal ni Janikowski. Lumiit ang lamang ng Browns sa 10-6 sa 11:12 ng 2nd kuwarter.
Nagpalitan ng punts ang Browns at Raiders. Nang muling sumalo ng punt ang Browns ay na-penalty sila at umatras sila sa Browns 7. Sunod-sunod na mga personal fouls ang ginawa ng Raiders at umabante ang Browns hanggang sa kumunekta si Anderson kay WR Mohamed Massaquoi para sa touchdown. Lumamang ng 17-6 ang Cleveland at 18 sandali na lamang ang nalalabi sa 1st half.
Isang squib kick ang ginawa ng Browns na ibinalik ni LB [Sam Williams sa Oakland 42. At nang mabigyan ng tsansa si Janikowski na wasakin ang rekord nang sumipa siya ng 61 yarda na field goal ay asintadong ipinasok niya ito sa kalagitnaan ng mga poste. Nabawasan ang lamang ng Browns sa 17-9 pagdating ng halftime.
Sa pagsalo ni Harrison sa kickoff ng 2nd half ay na-set up ang 33 yarda na field goal ni Dawson at ang Browns ay lumamang ng 20-9 sa 11:07 ng 3rd kuwarter.
Si Reece ang sumalo sa kickoff at dinala niya ang bola sa Raiders 22. Ang atake ng Raiders ay hindi gumana at nag-punt si Lechler. Pumasok ang mga Browns sa teritoryo ng Raiders pero nag-fumble sila at narekober ni DE [Greg Ellis sa Oakland 6. Huminto ang atake ng Raiders sa 32 at ang Browns naman ay nag-umpisa sa kanilang 30 matapos mag-punt si Lechler.
Hindi gumana ang atake ng Cleveland at nag-fair catch si Higgins sa Raiders 20. Sumugod ang Raiders pero ang pasa ni Frye para kay Higgins sa teritoryo ng Browns ay nasikwat at naibalik ng Browns sa Raiders 49.
Pumasok ang Browns sa Raiders 16 bago sila nahinto ng depensa at sumipa ng 34 yarda na field goal si Dawson. Nadagdagan ang lamang ng Browns sa 23-9 sa 8:31 ng 4th kuwarter.
Nang muling humawak ng bola ang Raiders simula sa Raiders 6, ay masaganang umatake sila hanggang sa Cleveland 2. Humarap si Frye ng 3rd and goal, pero ang pasa niya kay WR [Louis Murphy ay naagaw sa endzone. Tinutulan ni Head Coach Tom Cable ang ruling at ito ay binago dahil sa out of bounds ang depensa at nagkaroon ng 4th and goal sila sa 2. Hindi naman nakumpleto ni Frye ang pasa at nag-take over ang Browns.
Na three-and-out ng Raiders ang Browns at nag-fair catch ng punt si Higgins sa Oakland 46. Pumasok na naman sa teritoryo ng Browns ang Raiders pero naagawan na naman ng pasa si Frye sa 5 yard line at 3:00 minuto na lamang ang nalalabi sa laro. Hindi na naka-iskor ang dalawang team.
Sa darating na Linggo ay Linggo 17 at wawakasan ng Raiders ang 2009 regular season laban sa Baltimore Ravens sa Oakland-Alameda County Coliseum.