Idinagdag ng Raiders si QB Kyle Newhall-Caballero

052212Newhall-Caballero-story.jpg

Pumirma sa Oakland Raiders si free-agent quarterback Kyle Newhall-Caballero. Photo courtesy of Brown University.

Inihayag ng Oakland Raiders noong Martes na pumirma sa team ang free-agent quarterback na si Kyle Newhall-Caballero. Si Newhall-Caballero ay dalawang beses na nahirang sa All-Ivy League selection noong kolehiyo siya sa Brown.

Siya ay maytaas na 6-3, at maytimbang  na 214-libra, at nahirang siya sa second-team ng All-Ivy League dahil sa nakumpletong  226-sa-369 na pasa para sa 2,356 yarda at 18 touchdowns sa kanyang senior  year sa nakaraang taon.

Sa kanyang junior  year, si Newhall-Caballero ay nahirang sa first-team All-Ivy League honors pagkaraan ng natatanging season nang makumpleto niya ang 259-sa-413 na pasa para sa 2,709 yarda at 18 touchdowns, at naging pangalawa siya sa buong bansa sa ginawang 25.9 completions per game.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.
Advertising