Skip to main content
Raider Nation Stand Up
Advertising

Ipagdiriwang ng Raiders ang Pamana ng Lahing Pilipino

Halina sa parangal sa Pamana ng Lahing Pilipino na ihahandog ng Oakland Raiders kasabay ng laban nila sa Philadelphia Eagles nitong darating na Linggo.

PAMBANSANG AWIT: 

Noong 1963, itinatag ni Professor Andrea O. Veneracion ang University of the Philippines Madrigal Singers at ngayon ay silang kinikilalang pinakamatagumpay na koro sa buong Asia. Malaking impluwensya ang naibigay ng UP Madrigal Singers sa iba't ibang mga koro sa Pilipinas at sa buong Asia at hanggang sa kasalukuyan ay nagbibigay inspirasyon sa kanila. Mahigit 200 na mang-aawit at maestro ng musika ang nagtapos na sa koro at sila ay patuloy sa pagtataguyod sa ika-uunlad ng musikang Pilipino.Ang UP Madrigal Singers ay kinikilala sa buong North America, Europa at Asia. Noong 1969, mga pagtatanghal na hinangaan ng mga kritik ang kanilang ipinakita sa First Choruses of the World Festival at Lincoln Center sa New York. Pagkaraan ay pinalawak nila ang kanilang musika at sumali sa mga kumpetisyon sa iba't -ibang panig ng daigdig.

Madrigal-story.jpg

Ang koro ay nanatiling pinakamagaling sa Pilipinas. Lumikha sila ng sari-saring mga himig na kinatha mula sa elektrika at awitin. Ang kanilang layunin ay ihatid ang pinakamagandang musika sa mga komunidad na kanilang pinagtatanghalan. Ganito nila natamo ang kanilang tagumpay, sa paglilikha nang magagandang himig at kanilang ipinamamahagi sa lahat.

ANG PALABAS SA HALFTIME:

Likha Pilipino Folk Ensemble

Likhain2008.jpg

Ang layunin ng LIKHA-Pilipino Folk Ensemble ay ipalaganap ang kultura ng Pilipino sa mga komunidad na Pilipino sa Amerika. Itinatanghal sa entablado ng LIKHA ang sari-saring kultura ng Pilipino upang maging tulay sila sa pagkaka-unawaan ng mga Pilipino. Sila ay nagpalabas na ng mga sayaw at awitin sa lahat ng mga lungsod at komunidad sa San Francisco Bay Area. Ang LIKHA Ensemble ay nagtanghal din sa San Francisco Ethnic Dance Festival nang limang taon, at nagpalabas ng 13 na sariling produksyon sa Palace of Fine Arts, Cowell Theater, at Herbst Theater. Sila ay naghatid na ng mga workshop tungkol sa Musikang Pilipino at nagpalabas na rin sa iba't ibang dance festival sa South America, Europa at Asia.

Parangal Dance Company

Parangal-story.jpg

Itinatag noong Mayo, 2008, ang Parangal Dance Company ay samahan ng mga nagkakaisa sa pasyon at pagmamahal sa mga katutubong sayaw na Pilipino. Sa kanilang masugid na pananaliksik mula sa mga eksperto at katutubong tribu sa Pilipinas, sa mga pagtatangahal na pribado at publiko, at pamamahagi ng mga libreng workshop, pakay nilang magdulot ng kasiyahan, inspirasyon at kaalaman sa mga Pilipino rito sa Amerika upang makamit ang tunay na pagkakaunawaan at pagtatangkilik ng pamumuhay, kultura at tradisyon na Pilipino.

**

Kawayan1.jpg

Kawayan Folk Arts**

Ang layunin ng Kawayan Folk Arts ay itaguyod, saliksikin, at lakbaryin ang mga katutubo at kasalukuyang mga panooring sining batay sa masaganang pamana ng Lahing Pilipino. Ang pakay ng Kawayan Folk Arts ay makapagbigay ng mga tagubilin sa mga katutubo at pangkasalukuyang anyo ng sayaw na galing sa mga kulturang Pilipino. Gagawin nila ito sa kanilang pagtatanghal sa madla sa mga konsiyertong musikal, sa pananayaw, at sa pagpapalabas ng drama. Tinatangkilik din ng Kawayan ang mga special events kung saan sila nagpapalabas bilang pagsuporta sa ikatataguyod ng sining.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising