Mga Balita at Talaan ng Martes

032310mcfadden-story.jpg

Nag-ensayo noong Lunes si RB Darren McFadden sa pasilidad ng Raiders sa Alameda, Calif., facility.Tony Gonzales.

Pagbabago sa Patakaran ng Overtime

Sinangayunan ng mga may-ari ng mga team ang bagong patakaran sa overtime ng mga playoffs sa kanilang miting sa Orlando, Fla. Ganito ang bagong patakaran: kapag ang team na nanalo ng coin toss ay umiskor ng field goal sa unang serye, itutuloy ang laro upang ang kalaban na team ay humawak din ng bola. Kung nagtabla pagkatapos niyan, ang laro ay magiging sudden-death na kagaya ng kasalukuyang patakaran. Subalit kung ang iniskor ng unang team ay touchdown, tapos na ang laro. Ang bagong patakaran ay para sa mga laro ng playoffs lamang.

*Ang impormasyon dito ay galing sa report ng Associated Press.

Mga Transaksiyon

Muling kinontrata ng Raiders ang beteranong si defensive tackle William Joseph, na naglaro ng anim na games noong 2009 at walong games noong 2008. Si Joseph ay dating New York Giants at pinili siya sa unang rawnd ng 2003 NFL Draft. Kinontrata na rin noong Martes ang parehong restricted agents na si LB Ricky Brownat si FB Luke Lawton. Nakapaglaro si Brown ng limang games noong 2009 bago nasaktan at natigil ang kanyang season. Nakalaro na siya ng 41 games at naging istarter ng 12 beses mula pa noong sumali siya sa Raiders noong 2006. Sa dalawang taon niya sa Raiders, si Lawton ay pumasok sa 29 games, sampu nito ay bilang istarter.

Patuloy ang Pag-eensayo sa Off-Season

Nagpapalakas ang mga Raiders sa weight room at sa takbuhan at patuloy sila sa pag-eensayo sa 2010 Off-Season sa ilalim ng direksiyon ni Brad Roll, ang coach ng strength at conditioning. Isa sa mga nag-eensayo ay si RB Darren McFadden na papasok sa kanyang pangatlong season sa Pilak at Itim. Sabi ni McFadden na nasisiyahan siyang magwork-out kay Coach Roll "Parati ka niyang patatawanin pero sinisigurado naman niyang makumpleto mo ang pag-ensayo." Hanggang sa Hunyo ang boluntaryong pag-eensayo ng mga Raiders.

Meron Dagdag na Seleksiyon sa Draft ang Raiders

Inihayag ng NFL noong Lunes na ang Raiders ay meron karagdagang seleksiyon sa 2010 NFL Draft. Nagkaroon ngayon ang Raiders ng walong pick sa ika-75 NFL Draft na gaganapin sa Abril 22-24.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising