Mga Napili ng Oakland Raiders sa 2009 Draft

Unang Rawnd: Pinili ng Oakland si Heyward-BeyAbril 25, 2009

Bilang ikapito sa pangkalahatang seleksiyon sa 2009 NFL Draft, pinili ng Oakland Raiders ang wide receiver na si Darrius Heyward Bey ng University of Maryland. Ayon sa websayt ng University of Maryland, si Heyward-Bey ay isa sa pinakamabilis na receiver sa bansa sa kanyang tatlong taon sa kolehiyo. Ang ulat sa kanya: Mabuti ang laki niya at napakabilis ... naparangalang All-America freshman noong 2006 at honorable mention All-America noong 2007 ... dalawang beses na napili sa All-ACC ... pangalawa sa kasaysayan ng pamantasan ng Maryland  sa career receiving yarda (2,089), pangatlo sa resepsiyon (138), pangatlo sa pagsalo ng TD (13) at pang-anim sa 100-yarda receiving games (4) ... at kumuha ng 228 receiving yarda sa tatlong laro sa bowl-game ... isa sa pinakamabilis sa ACC ... ang kanyang oras sa 40 na 4.23 segundo ay tampok na rekord sa eskuwelahan.

Ang sinabi ni Head Coach Tom Cable tungkol kay Heyward-Bey: Napaka-eksayting ito, ang pagpapahayag sa aming piniling si Darius Heyward-Bey, wide receiver galing sa Maryland. Siya talaga ang gusto naming mula pa noon, gaya ng sinabi ko isang buwan na ang nakaraan na meron isang manlalaro na magpapahusay sa aming team. … Talaga isa siya sa mga tampok na receiver, at meron apat sila … siya ang pinakamagaling na route runner sa grupong yan. At saka siya lang ang lumabas na merong tunay na istilong pang-pro, dahil ang mga iba ay pang-spread systemng kolehiyo pa … tapos meron siyang laki at bilis, at sa kanyang abilidad na makuha ang bola. Ang nakitang galing sa pagtakbo niya sa combine ay pagdating sa 30-yarda ay meron hirit pa.

Raiders Nakipagpalit para kay Mitchell sa 2nd
Abril 25, 2009

Nakipagpalitan ang Oakland Raiders sa New England Patriots, umatras ng pitong puwesto at gumana sa pagpili sa ika-4 at ika-6  na rawnd at nakuha nila ang isang matinding defensive back na si Michael Mitchell ng Ohio University.  Noong 2008, naglaro si MItchell ng 11 sa posibleng 12 games at lumikom ng 62 na tackles (36 solo) tatlong intersepsiyon at nakabuwag ng limang pasa. Napuwersa rin niya ang dalawang pambol at gumawa ng isang quarterback sack.

Raiders Kinuha si Shaughnessy sa 3rd
Abril 26, 2009

Pinili ng Oakland Raiders si DE Matt Shaughnessy ng University of Wisconsin sa ika-3 rawnd sa 2009 NFL Draft. Naglaro siya ng 50 career games para sa Badgers at nakakuha ng 108 solo tackles (173 total) at 14 quarterback sacks. Noong 2008, naglaro siya sa lahat ng game at gumawa ng 29 solo stops at apat na sack. Noong 2007, si Shaughnessy ay gumawa ng 60 total stops, 18.5 tackles na bumawas ng yarda sa kalaban at 5.0 sacks kaya nakuha niya ang second-team All-Big Ten na parangal.

Raiders Pinili si Murphy sa 4th
Abril 26, 2009

Sa kanilang dalawang seleksiyon sa ika-4 rawnd sa 2009 NFL Draft, unang pinili ng Oakland Raiders si WR Louis Murphy ng University of Florida. Naglaro si Murphy ng 48 games sa Florida, 26 bilang istarter at kumuha ng 1,245 yarda at 13 touchdown sa 77 na resepsiyon. Ang pinakamahabang salo niya ay sa layong 66-yarda, na pinakamahabang pass-play ng Florida noong kampanya ng 2007.

Norris Para sa Raiders sa 4th
Abril 26, 2009

Ang pangalawang seleksiyon ng  Oakland Raiders sa ika-4 rawnd ng 2009 NFL Draft, pinili nila si DE/LB Slade Norris ng Oregon State. Naka-sack si Norris ng 10 quarterback noong 2008.
Nakatanggap din si Norris ng tatlong letters habang nag-istarter siya sa 13 laro noong nakaraang season. Dati siyang safety bago naging linebacker at pagkaraan ay naging situational third down rusher siya at noong junior kumuha siya ng siyam na sacks. Bilang senior siya noong 2008,  naging istarrter si Norris at natapos ang season ng 18.5 tackles-for-loss at 10 sacks . Natapos niya ang kolehiyo ng 19 sacks, at ito ay pang-apat na pinakamarami sa kasaysayan ng OSU.

Stryker Sulak Nakuha sa 6th
Abril 26, 2009
RSS

Sa ika-6 rawnd sa 2009 NFL Draft, pinili ng Oakland Raiders si DE Stryker Sulak ng Missouri. Si Sulak ay naglaro ng 54 na games para sa Tigers, at gumawa ng 97 solo tackles at 21 sack sa quarterback. Noong 2008, naglaro siya sa bawat game at gumawa ng 29 solo stops at 10 sacks. Mahusay ang kanyang season bilang junior at nanalo siya ng 1st-Team All-Big 12 honors mula sa mga ibat'ibang media dahil sa season na nag-rekord siya ng 60 tackles at team-best 11 tackles na bumawas sa kalaban (71 yarda), at dagdag dito ay 6 sack ng QB ... at nanguna sya ng 4 na forced fumbles at madalas siyang nagbubuwag ng opensa ng kalaban.

Raiders Nakipagpalitan para kay Iowa TE
Abril 26, 2009

Ang Oakland Raiders ay nakipagpalitan sa Carolina Panthers at kinuha nila ang pang-202 na seleksiyon sa 2009 NFL Draft at binigay nila ang ika-7 round pick nila ngayon at ang kanilang ika-6 round pick sa 2010 Draft. Pinili nila si TE Brandon Myers ng Iowa. Si Myers ay gumawa ng career-highs sa resepsiyon (34) at yarda (441) noong 2008. Siya ay kasama sa First team all-Big Ten na hinirang ng mga league coach . . . honorable mention sa all-Big Ten ng league media . . . at second team sa all-Big Ten ni Phil Steele sa College Football . . . at nakatanggap ng Coaches Appreciation Award sa opensa.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising