Pinantayan niRaiders K [Sebastian Janikowski ang NFL rekord sa kanyang 63-yarda na field goal. AP Photo.
Si K Sebastian Janikowski at P [Shane Lechler* *ay parehong gumawa ng mga rekord at si RB Darren Mcfadden ay tumakbo ng 150 yarda sa panalo ng Raiders laban sa Broncos 23-20 sa Sports Authority Field ng Mile High sa Denver sa Linggo 1 ng 2011 Regular Season.
Nanalo ang Broncos sa opening coin toss at pinili nilang mag-receive. Ang opening kickoff ni K Sebastian Janikowski ay lumampas sa end zone kaya ito ay touchback at nag-umpisa ang Broncos sa kanilang 20. Si Kyle Orton ang quarterback. Isang first down lamang ang binigay ng depensa ng Raiders bago pinuwersang mag-punt ang Broncos.
Pagkaraan ng touchback at isang penalty sa Oakland, nag take-over sa kanilang 10 ang Raiders at si [Jason Campbell* *ang quarterback. Nag-fumble ang Raiders sa kanilang unang play at na-recover ng Broncos sa Raiders 15. Pinigilan ng Raiders ang Denver sa isang 28-yarda na FG ni K Matt Prater, at lumamang ang Denver ng 3-0 sa 9:55 sa orasan ng 1st kuwarter..
Ang kasunod na kickoff ay lumampas din sa endzone at sa kanilang 20 nag-umpisa ang Raiders. Isang first down lang ang nakuha ng Raiders bago sila nag-punt. Ang 54 yarda na punt ni P Shane Lechler ay ibinalik ni Eric Decker sa Denver 20.
Napilit ng Raiders na magpunt ang Broncos sa 4th and 15 at ito ay nabara ni LB [Darryl Blackstock*. Sa Denver 42 nag-take over ang Raiders. Sinamantala ito ng Raiders, at kumunekta si Campbell nang pasa kay FB [Marcel Reece * para sa 3-yarda na TD. Ang extra point ay pumasok at nag-lead ng 7-3 ang Raiders sa 13:18 sa orasan ng 2nd kuwarter.
Nakuha muli ng Raiders ang bola nang mag-fumble ang kalaban at nakuha ni LB [Quentin Groves* *ang bola sa Denver 23. Umabot ang drive nila sa isang 37-yarda na field goal ni Janikowski at lumaki ang lamang ng Raiders sa 10-3 sa 11:14 sa orasan ng 2nd kuwarter.
Binara muli ng depensa ng Raiders ang mga Broncos at di-nakayanang umatake at nag-punt na lang muli si Colquitt. Sa Raiders 1 sila nag-umpisa pero humantong din sa punt ni Lechler. Sa Denver 28 nag-umpisa ang Broncos at pumasok sila sa teritporyo ng Pilak at Itim at doon sila nagtankang sumipa ng field goal. Ang 56-yarda na FG ni Prater FG ay hindi pumasok. Nag-take over ang Raiders sa kanilang 46.
Nadagdagan pa ang lamang ng Raiders pagkaraan ng 11-play at 51-yarda na drive at tinapos ito ni Janikowski ng 21-yarda na field goal. Ang iskor ay naging 13-3 para sa Oakland at nalalabi na lang ang 1:27 sa 2nd kuwarter.
Ang kasunod na kickoff ay muling na-touchback. Naagaw muli ng Raiders ang bola nang ma-intersep ni safety [Matt Giordano* *ang isang pasa ni Orton sa loob ng teritoryo ng Raiders. Isang mahabang 63 yarda na field goal ang ipinasok ni Janikowski, na siyang pumantay sa pinakamahabang sipa sa rekord ng NFL at lumamang ng 16-3 ang Raiders sa halftime.
Ang opening kickoff sa second half ay muling na-touchback at sa Raiders 20 sila nag-umpisa. Nabigo ang drive at nag-punt ang Raiders na siyang ibinalik ni Decker ng 90 yarda para sa touchdown at nabawasan ang lead ng Raiders sa 16-10 at meron pang 12:31 sa 3rd kuwarter.
Ang kasunod na kickoff ay na-touchback at sa 20 muli nag-umpisa ang Raiders. Hindi gumana ang atake ng Raiders at nag-punt sila at sa kanilang 11 nag-umpisa ang Broncos. Sunod-sunod ang penalty ng Pilak at Itim at sinamantala ito ng Broncos na umabante at umabot sila sa isang 30 yarda na field goal ni Prater. Pumasok ito at nabawasan sa 16-13 ang lamang ng Raiders at meron pang 1:55 ang 3rd kuwarter.
Ang kasunod na kickoff ay touchback pa rin, at mula sa kanilang 20 ay na-three and out ang Raiders at ibinalik ni Decker ang 50 yarda na punt ni Lechler sa Denver 42.
Nag-fumble sa ulan si Orton at naagaw ni DE [Lamarr Houston* *sa Oakland 35. Sinamantala ito ng Raiders at sa tatlong play umabot ng 65 yarda ang drive ng Raiders at itinawid ni Campbell ang bola para sa TD. Kasama ang extra point ni Janikowski ay nag-lead ang Raiders sa 23-13 at meron pang 12:33 sa 4th.
Isa pang touchback ang sinipa ni Janikowski at nag-take over ang Broncos sa 20, pero nag-punt din si Colquitt. Three and out din ang Raiders at dito sinipa ni Lechler ang 77 yarda na punt at kanyang pinantayan ang pinakamahabang punt sa kasaysayan ng Raiders.
Itinuloy ang pagpiga ng Denver at nayari ni Orton ang isang 9 yard na pasa para sa TD. Kasama ang extra point, ay nabawasan ang lamang ng Raiders sa 23-20 at meron pang 3:43 lsa laro.
Na touchback muli ang kickoff ni Prater at masikap na inubos ng Raiders ang oras upang makamit ang tagumpay.
Masiglang simulain ng Raiders sa 2011 regular season na 1-0 sila at patungo sa Buffalo sa susunod na linggo upang labanan ang kaparehong 1-0 na Bills sa Ralph Wilson Stadium sa Orchard Park.