Panimulang Impormasyon sa 2010 Off-Season

020510-helmet.jpg


Ang NFL ay isang buong-taong gawain. Mula sa free agency hanggang sa pag-eensayo sa off-season at mga mini-camp pati ang mga Organized Team Activities - kasama lahat ito sa paghahanap ng mga team kung paano mapabuti at mapagaling ang pundasyon ng team upang maging matagumpay. Ang mga scout sa mga propesyonal na team at sa mga kolehiyo ay patuloy na nagtatantiya ang potensyal ng mga free agents at mga pagpipilian sa draft, samantalang ang staff ng Raiders ay nagplaplano para sa 2010 season. Ang Super Bowl sa Linggo ay ang tanda ng katapusan ng kampanya ng 2009 NFL at ang simula ng 2010 season. Basahin ang aming panimulang impormasyon para sa off-season at malaman ang mga gawain at petsa nito.

Ang 2010 Scouting Combine

Mula Pebrero 24 hanggang sa Marso 2, ang Scouting Combine ay gaganapin sa Lucas Oil Field sa Indianapolis. Mahigit 300 na mga maaring prospek sa NFL Draft sa lahat ng mga posisiyon ay sasali sa iba't ibang mga ensayo at mga eksamen na pisikal at palaisipan upang masukat kung karapat-dapat silang mapagpilian ng mga NFL team sa 2010 NFL Draft.

Free Agency at Trading Period

Ang panahon ng pagpapapirma ng kontrata ng mga unrestricted free agent at ang pakikipagpalitan ng mga players ay mag-uumpisa sa ika-5 ng Marso.

Ang Handaan para sa Commitment to Excellence Awards

Sila TE Zach Miller*at RB Justin Fargas *ay pararangalan sa ika-8 Annual Commitment to Excellence Awards Dinner sa Sabado ika-13 ng Marso sa Hilton - Oakland Airport. Tumawag sa 650.428.0810 para sa karagdagang impormasyon.

Programang Pag-eensayo sa Off-Season

Ang off-season work-out program ng Oakland Raiders ay magsisimula sa gitna ng Marso at ang buong team ay magsasama-sama upang mag-ensayo ng pampalakas at pampahaba ng resistensya sa pasilidad ng Raiders sa Alameda, California.

Ang Awdisyon para sa 2010 Raiderettes

Ang pangunahing 2010 Raiderette Audition ay nakatakda sa Linggo, Abril 11, at ang Pinal na awdisyon ay gaganapin sa sumunod na Linggo. Nagbibigay din ng Audition Prep Classes . Ang unang prep class ay gagawin sa Sabado, ika-27 ng Marso.

Ang Iskedyul ng 2010 NFL

Ang 2010 NFL iskedyul ng mga laro kasama ang petsa, oras ng laro, pook at ang coverage ng telebisyon ay ihahayag ng National Football League sa buwan ng Abril. Ang mga kalaban sa Pre-season ay ilalahad sa bandang katapusan ng Marso. Noong nakaraang taon, nalaman ito sa Marso 30.

Ang Draft ng 2010 NFL

Ang 2010 NFL Draft ay gaganapin sa Abril 22-24 sa Radio City Music Hall sa New York. Mahigit 250 na mga prospek mula sa kolehiyo ay magsisimula ng kanilang karrera sa NFL bilang kasama sa pagpipilian sa 7 rawnd ng Draft. Ang pick ng Raiders sa kasalukuyan ay #8 overall pick. Sa kaunahang pagkakataon, sa primetime gagawin ang NFL Draft ng 2010. Ang first round ng 2010 NFL Draft ay sisimulan sa Huwebes, Abril 22 sa alas 4:30 p.m. PT, at ang pangalawa at pangatlong rawnd ay gagawin sa April 23 sa alas-3:30 n.h. PT, at susundan ng Rounds 4-7 sa Sabado sa April 24 mula sa alas- 7:00 n.u. PT.

Mga Mini-Camps at Organized Team Activities

Pagkatapos ng NFL Draft, bubuksan ng Raiders ang mga mini-camps at Organized Team Activities sa kanilang pasilidad sa Alameda sa buwan ng Mayo at Hunyo.

Pang-10 Annual Youth Skills Camp

Sa Summer ng 2010 ay ang ika-10 taon ng non-contact, youth football skills camp ng Oakland Raiders. Ang dalawang-araw na camp ay tinatag upang mawili ang mga kabataang lalake at babae sa edad na 8-14 na sumali at masiyahan sa larong putbol. Ang mga petsa at detalya nito ay ihahayag kapag nalaman na.

Ang 2010 Training Camp

Ang mga Raiders ay magrereport sa Training Camp 2010 sa kanilang Napa Valley Training Complex sa kahulihan ng Hulyo. Kadalasan ang mga team ay sinisimulan ang training camp mga 15 araw bago ang unang pre-season game.

Siguraduhin na basahin ang Raiders.com Events Calendar para sa mga importanteng event at petsa nito.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising