Panimulang Impormasyon Tungkol Sa 2009 Off-Season

Ang NFL ay naging pang-buong taon na may gawain. Mula sa free agency at sa mga programang sa off-season  hanggang sa mga mini-camps at Organized Team Activities – ang mga teams ay nagsusumikap na mapahusay at maisagawa na maging matagumpay sila sa larangan ng putbol. Ang mga scout para sa pro at kolehiyo ay parating nakamasid at nagtatantiya ng mga potensyal ng mga free agents at mga pagpipilian sa draft, samantalang ang mga kawani ng Raiders ay masugid na nagplapalano para sa 2009 season. Basahin itong panimulang impormasyon tungkol sa mga importanteng petsa at mga aktibidad sa off-season.

2009 Scouting Combine
Sa darating na linggo ng Pebrero 18-24, ang Scouting Combine ay gaganapin sa Lucas Oil Field sa Indianapolis. Mahigit na 300 na kwalipikadong prospek sa NFL Draft  sa lahat ng posisyon, ay sasali sa iba't ibang ehersisyo at eksamen sa kaisipan at pisikal, upang malaman kung pwede sila sa 2009 Draft.

Free Agency at Panahon ng Palitan
Ang pagpapapirma para sa mga urestricted free agents, at ang panahon ng palitan ng mga pleyers ay magsisimula sa ika-27 ng Pebrero.

Programa para sa Off-Season Workout
Ang programa ng Oakland Raiders para sa pag-eensayo sa off-season ay magsisimula sa ika-16 ng Marso at ang mga kasapi sa team ay magtitipon para sa treyning ng pampalakas at pampatibay sa pasilidad ng Raiders sa Alameda, California.

Awdisyon Ng 2009 Raiderettes
Ang pangunahing 2009 Raiderette Audition ay naka-iskedyul sa Linggo, ika-19 ng Abril, at ang Finals ay gaganapin sa kasunod na Linggo.
Ini-aalok din ang Audition Prep Classes upang makapaghanda sa awdisyon. Ang unang  prep class ay sisimulan sa Sabado, Abril 4.

Iskedyul ng NFL Palaro sa 2009
Ang iskedyul ng mga laro sa NFL sa 2009, kasama ang mga petsa nito, oras, lokasyon at ang tv coverage ay iaanunsiyo ng National Football League sa buwan ng Abril.

Ang 2009 NFL Draft
Naka-iskedyul ang The 2009 NFL Draft sa Abril 25-26 sa Radio City Music Hall sa New York. Mahigit 250 prospek mula sa kolehiyo ang pagpipilian sa pitong rawnd ng Draft upang simulang ang kanilang karera. Nasa Raiders ang pang-7 overall pick.

Mga Mini-Camp at Organized Team Activities
Pagkatapos ng NFL Draft, ayon sa nakalipas ang Raiders, ay agad ginagawa ang mga mini-camp at Organized Team Activities sa pasilidad ng team sa Alameda  sa buwan ng Mayo at Hunio.

Pang –9 na Taon na Youth Skills Camp
Pangsiyam na taon na ang Summer 2009 na gagawin ng Oakland Raiders ang non-contact na youth football skills camp. And dalawang araw na kampo ay inuukol na enganyuhin ang mga kabataan, lalaki o babae man, sa edad na 8-14, na sumapi at magsaya sa paglaro ng putbol. Ang mga petsa at detalya nito ay agad iaanunsiyo kapag nalaman na.

2009 Treyning Kamp
Magrereport ang mga Raiders sa Training Camp 2009 sa kanilang Treyning Kompleks sa Napa Valley sa dulo ng Hulyo. Pangkaraniwan sa mga teams na buksan ang treyning kamp sa 15 araw bago laruin ang unang pre-season game.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising