Pinapirma na rin ng Raiders si Pro Bowl Defensive Lineman Richard Seymour

021711-Seymour.jpg

Muling pina-pirma ng kinontrata ng Raiders si Pro Bowl defensive lineman Richard Seymour (92). Photo by Tony Gonzales.

Kinontrata muli ng Oakland Raiders ang Pro Bowl defensive lineman na si Richard Seymour.

"Positibo ito para sa Raiders at ang kanyang pagpipirma muli ng kontrata ay talagang inasahan na ng organisasyon mula pa nang kinuha siyang maglaro dito noon pa," sabi ni Oakland Raiders Head Coach Hue Jackson. "Mahalaga si Richard sa ating kupunan dahil tuluyan siyang napakikinabangan sa loob at labas ng field."

Nahirang ang beterano sa kanyang pang-anim na Pro Bowl nang siya ay ihalal sa AFC All-Star squad nitong nakaraang season. Si Seymour ay Pro Bowl alternate noong 2009, sa unang season niya sa Pilak at Itim.

"Ako'y nasisiyahan na makasama sa Pilak at Itim, ang team na may magandang kinabukasan," sabi ni Seymour, na piniling NFL All-Pro Team ng apat na beses na sa kanyang 10 pro seasons.  "At ilang beses ko nang sinabi, na nakikitang kong mag-reretiro ako bilang Raider."

Sa 2010, sa kanyang ikalawang season sa Raiders, si Seymour ay lumipat mula sa defensive end patungo sa puwesto ng defensive tackle at siya ang naging susi ng depensa na pumangalawa sa buong NFL sa record na 47 sacks at ika-11th sa total defense (322.8 yarda bawat laro). Si Seymour ay gumawa ng 5.5 na sacks para sa 34 yardang nawala sa kalaban, 48 na tackles, dalawang nadepensahang pasa and isang fumble recovery sa 13 laro. Napili siya sa Pro Bowl sa lakas ng ipinakitang galing ngunit hindi siya nakapaglaro dahil sa injury.

Sumali sa Pilak at Itim si Seymour mula sa New England Patriots nang magpalitan ng players sa bukana ng 2009 season. Sa dalawang taon niya sa Raiders, si Seymour ay tumipon ng 9.5 na sacks, 95 na tackles, isang forced fumble at isang fumble recovery. Nag-rekord na siya ng tatlong multiple-sack games sa dalawang season.

Bago siya dumating sa Oakland, si Seymour ay miyembro ng tatlong Super Bowl Champion teams ng Patriots. Apat na beses na siyang AP All-Pro selection ng New England at nakasama siya sa AFC Pro Bowl squad ng limang sunod-sunod na taon sa 2002-06.

Sa 10 NFL seasons, ang rekord ni Seymour ay 48.5 sacks, 452 tackles, 29 pasang nadepensahan at dalawang intersepsiyon.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.
Advertising