Skip to main content
Raiders
Advertising

Pinigilan ng Browns ang Raiders, 20-17

120212-gamecenter-cp.jpg

Naagaw ni CB[Phillip Adamsinternal-link-placeholder-0]ang pasa ni QB Brandon Weeden.

Napantayan ni TE Brandon Myers ang rekord ng Oakland Raiders sa pinakamaraming nasalo na pasa sa isang game sa kanyang 14 na nasalo (WR Tim Brown, 14 nasalo laban sa Jacksonville, 1997), at si K Sebastian Janikowski ay sumipa ng pang-40 na field goal na may distansiya na 50 yarda o mahigit sa ika-200 na laro sa kanyang karera at kinumpleto ni QB Carson Palmer ang 34 na pasa sa 54 na paghagis niya para sa 351 yarda at dalawang touchdown, nguni't kinulang lahat ito nang talunin sila ng Cleveland Browns sa iskor na 20-17.

Nanalo ang Browns sa pambungad na coin toss at ipinagpaliban ang pagpili nila sa 2nd half. Pinili ng Raiders na tanggapin ang opening kickoff at sinalo ni CB Coye Francies ang kickoff ni K Phil Dawson at dinala niya sa Oakland 14. Napigil ang salakay ng Raiders sa Cleveland 41 at nagpunt si P Shane Lechler at ang bola ay ibinalik ni LS Jon Condo sa Browns 14.

Lumusob ang Browns at nagbantang umiskor pero naagaw ni Raiders S Matt Giordano ang pasa ni QB Brandon Weeden sa loob ng Raiders 5 at dinala niya sa 27. Hindi nasamantala ng Raiders ang kanilang magandang palad at pagkaraan ng dalawang 1st down, sila ay napuersang magpunt. Ang sipa ni Lechler na 50-yarda ay tumalbog sa end zone para sa touchback.

Lumusob ang Browns hanggang maipasok ni K Phil Dawson ang 41-yarda na field goal na siyang unang iskor sa laor at nagbigay ng lamang sa Browns na 3-0 sa 12:59 ng 2nd kuwarter.

Ibinalik ni Francies ang kasunod na kickoff sa kanilang 25 pero na-three and out ang Raiders. Sinalo ni Cribbs ang punt ni Lechler at dahil sa facemask penalty ng Raiders, ay umabot ang bola sa Browns 38. Matapos ang ilang play, tinamaan ni Weeden si WR Josh Gordon para sa  44-yarda na TD. Pumasok din ang extra point at naging 10-0 ang lamang ng Browns sa 10:25 ng 2nd kuwarter.

Si Francies muli ang nagbalik sa kasunod na kickoff at dinala niya ang bola sa Raiders 28. Muling na-three-and-out ang Raiders at ibinalik ni Cribbs ang bola sa Browns 36. Bumawi din ang Raiders at napuersa nila ang three-and-out. Sa Oakland 30 nadala ang punt ni P Reggie Hodges.

Lumusob ang Raiders pero nahinto sila at ipinaubaya kay K Sebastian Janikowski ang pagsipa ng field goal.  Sa kanyang ika-200 na laro, ipinasok niya ang 51-yarda na field goal at nabawasan ang lamang ng Browns sa 10-3 sa 4:28 ng 2nd quarter.

Ang sagot na salakay ng Browns ay nahinto sa pag-intersep ni CB Phillip Adams sa mahabang pasa ni Weeden sa Raiders 8. Nakaposisiyon na umiskor muli ang Raiders sa 61-yarda na field goal, subalit bahagyang kinulang ang sipa. Natapos ang 1st half na lamang ang  Browns sa 10-3.

Nag-umpisa ang Browns sa kanilang 35 pagkaraan ng touchback na kickoff at isang penalty sa Raiders. Nakalapit na naman sa endzone ang Browns nang mapuersa sila ng Raiders na sumipa ng field goal mula sa 35-yarda. Pumasok ito at lumaki ang lamang ng Browns sa 13-3 sa 9:51 ng 3rd kuwarter.

Ibinalik ni RB Jeremy Stewart ang kasunod na kickoff sa Oakland 18. Nabuwag ang atake ng Raiders sa  Browns 42 at pagkaraan ng punt ay nagsimula ang drive ng Browns sa 10.

Umabot sa loob ng teritoryo ng Raiders ang salakay ng Browns at sumipa sila ng 28 yarda na field goal, ngunit nasagi ang lumilipad na bola ni DT Desmond Bryant kaya sumablay ito. Ito ang kauna-unahang mintis ni Dawson sa season na ito. Nagtake over ang Raiders sa kanilang 20.

Pagkaraan ng ilang play, naghagis ng mahaba si QB Carson Palmer at nasalo ito ng bagitong WR Rod Streater para sa 64-yarda na touchdown. Pumasok din ang extra point at nabawasan ang lamang ng Browns sa 13-10 sa huling 17 sandali ng 3rd kuwarter.

Pinabagsak ni LB Keenan Clayton si Cribbs sa Browns 9 nang saluhin niya ang kasunod na kickoff, at pagkaraan ay napuersa ng Raiders ang punt ng Browns. Sinalo ni WR Denarius Moore ang punt, at dahil sa fair catch interference ay na-penalty ang Browns at nagsimula ang atake ng Raiders sa Oakland 27.  

Gumana ang drive ng Raiders at nagbantang umiskor sila nang maagaw ni CB Sheldon Brown ang pasa ni Palmer sa Cleveland 6. Sinamantala ito ng Browns at sumugod ng 94 yarda at tinapos ito ni RB Trent Richardson nang takbuhin niya ang 3-yarda para sa touchdown. Lumamang ng 20-10 ang Cleveland sa huling 3:27 ng laro.

Sumugod ang Raiders at umiskor sila ng touchdown nang pasahan ng 17 yarda ni Palmer si TE Brandon Myers. Lumapit ang Raiders sa iskor na 20-17 ngunit isang segundo na lang ang nalalabi. Nag-onside kick si Janikowski ngunit nag-out of bounds ang bola at nang hawakan ng Browns ang bola ay kanilang iniluhod ito upang matapos na ang laro.

Bumaba ang Raiders sa 3-9 sa season na ito at kanilang haharapin ang Denver Broncos sa  Thursday Night Football ng NFL.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising