Pinili ng Raiders si Bergstrom sa 3rd

042712-bergstrom-action-story.jpg

Pinili ng Raiders ang University of Utah offensive lineman sa 3rd round (ika-95 overall) ng 2012 NFL Draft. Photo courtesy of University of Utah.

TONY BERGSTROM
Guard/Tackle
University of Utah
6-5, 315
Salt Lake City, Utah
Skyline High School

NAKATALANG KARERANaging istarter si Bergstrom sa kanyang huling 38 games para sa Utah bilang right offensive tackle, pagkaraan na istarter siya sa left side noong freshman siya…Naglaro siya ng 48 games, at nagtapos siya na me grado na 83% sa overall blocking consistency...Gumawa siya ng 150 knockdowns at nakabuo siya ng 41 touchdown na nagbunga sa blocks.

KARERA sa KOLEHIYO at HIGH SCHOOLSa 2011 SEASON: Natamo ni Bergstrom ang All-Pac 12 Conference first-team honors, at naging istarter siya sa right offensive tackle sa 12 na laro…Nailista siya sa Outland Trophy Watch List at siya ay kandidato sa Lowe's Senior CLASS Award, isang parangal sa kagalingan sa loob at labas ng field base sa katangian sa apat na pook: sa komunidad, sa paaralan, sa pag-uugali at sa larangan ng kumpetisyon. Meron siyang career-best na 85% sa blocking consistency. Sa 2010 SEASON,si Bergstrom ay nailista sa All-Mountain west Conference second-team ng mga coach ng liga at ng media…Ang grado niya sa blocking consistency ay 83%, at gumawa siya ng labinlimang block na nagbunga sa touchdown, at 48 knockdowns at napabilang siya sa offensive line na pang-13 sa buong bansa sa pinakakunting sack sa kanilang quarterback (labindalawa). Sa 2009 SEASONsiya ay tumanggap ng Academic All-Mountain West Conference honors, at istarter siya sa lahat ng 13 laro sa right tackle…Gumawa ng 41 knockdowns at 12 na touchdown-resulting blocks…at ang grado niya ay 81% sa blocking consistency, at natamo ang career-best na 95% laban sa Brigham Young. Sa HIGH SCHOOL:Nag-aral si Bergstrom sa* *Skyline High School sa Salt Lake City, Utah…Noong 2004, napili siya para sa All-State selection, at naparangalan na Region III Player of the Year at Most Valuable Player ng team bilang squad captain. Talong beses siyang Honor Roll student at Academic All-State, at nanalo din ng College Board AP Scholar Award.

PERSONALSa kolehiyo ay nag-major siya ng Chemical Engineering…Ipinanganak siya na Steven Anthony Bergstrom noong 8/08/86…Nakatira siya sa Salt Lake City, Utah. Ang maybahay niya ay si Jessica Kruger, at meron silang anak na si Olivia.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.
Advertising