Pinili ng Raiders si DT Christo Bilukidi sa 6th Rawnd

042812-bilukidi.jpg


Napili ng Oakland Raiders si DT Christo Bilukidi mula sa Georgia State sa 6th rawnd ng 2012 NFL Draft.

CHRISTO BILUKIDI
Defensive Tackle
Georgia State
6-5, 290
Ottawa, Ontario
St. Patrick's/Eastern Arizona JC

NAKATALANG KARERADalawang taon na istarter si Bilukidi sa Georgia State U at siya ang tampok na defensive lineman ng panthers sa dalawang season ... Siya ay nakatalagang defensive tackle pero lumilinya rin sa defensive end ... Meron siyang 10 career sacks – ito ang record sa GSU – at 16 tackles para umatras ... Nahirang siya na permanent team captain ng GSU sa 2011 season ... Inilista siya na isa sa mga tampok na 15 prospects para sa 2012 CFL Canadian Draft, ayon sa listahan na ipinahayag ng CFL Scouting Bureau ... Katutubo ng Canada na sumama sa Georgia State noong 2010 mula sa Eastern Arizona J.C.* *

KARERA sa KOLEHIYO at HIGH SCHOOLSa 2011 SEASON…Nanguna si Bilukidi sa GSU sa kanyang limang sacks at siyam na tackles na nagpa-atras ... Gumawa siya ng 38 tackles at nabuwag niya ang isang pasa at narekober niya ang isang fumble, at napuersa niya na mag-fumble ang kalaban...Nakalista siya sa Preseason All-Independent sa Phil Steele's College Football Preview. Sa 2010 SEASON…Nakapuwesto siya sa defensive tackle at una siya sa Panthers sa kanyang limang sacks ... Pito ang tackles niya ang nagpa-atras, at napuersa niya ang dalawang fumbles ... Gumawa siya ng 26 solo tackles at 25 assist ... Istarter siya sa lahat ng game... Nahirang siya na Outstanding Defensive Lineman ng kanayang mga teammats. Sa HIGH SCHOOL/JUNIOR COLLEGE… Gumawa ng 27 tackles noong 2009 sa Eastern Arizona J.C. ... Tampok na prospek sa Canada sa St. Patrick's High ng Ottawa, bagaman at isang taon pa lang sa putbol … Apat na taon na nagka-letra at napili siya sa second-team all-region selection ng basketball.

PERSONALSi Christo Mulumba Bilukidi  ay isinilang noong Dec. 13, 1989 sa Angola, tumira din siya sa France at Brazil bago lumipat sa Canada ... Matatas sa French ... Ang ama ay isang diplomat ng Angola. 

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.
Advertising