Pribyu ng Raiders at Giants

100709giants-stadium.jpg


NGAYONG LINGGO: Ang Oakland Raiders, miyembro ng Western Dibisyon ng American Football Conference, ay kakalabanin ang [**

**](http://www.giants.com/) ng NFC East. Ang laro sa Linggo ay ang unang match-up ng Raiders laban sa taga-NFC ngayong 2009. Kasi nga sa unang tatlong linggo ng 2009 regular season ay pawang mga karibal sa AFC West ang kalaro nila. Halos gayundin noong nakaraang taon na kalaro nila ang tatlong karibal sa AFC West sa unang apat na linggo ng 2008 season.

TELEBISYON: Mapapanood ang laro sa CBSat si Greg Gumbelang maghahatid ng play-by-play kasama ang dating manlalaro at Pro Football Hall of Famer na siDan Dierdorfbilang color analyst.*Dito sa ating lokasyon mapapanood ito sa KPIX Channel 5. Ipalalabas din ang laro sa Sacramento ngKOVR Channel 13, sa Chico ngKHSL, sa Monterey ngKIONat sa Fresno ngKJEO.*

RADYO: Mapapakinggan ang laro sa Raiders Radio na nagmumula sa KSFO 560 AM, ang Flagship na estasyon ng Radio Network ng Pilak at Itim. Si Greg Papa at ang dating manlalaro, assistant at head coach ng Raiders na si Tom Flores ay silang anawnser sa ika-12 na taon. Ang pregame show at postgame show ay tatampokan ng mga lehedaryong Raiders na si George Atkinson atd David Humm kasama si Rich Walcoff ng KSFO.

RADYO ESPANYOL:Ang mga laro ng Raiders ay maririnig sa Espanyol sa estasyon ng La Kaliente, KZSF 1370 AM.Ang mga ananwser ay silaArmando Botello at Angel Dinamita.

MGA KONEKSIYON

RAIDERS: Ang rookie na si DE Matt Shaughnessy at ang rookie ng Giants na si TE Travis Beckum ay dating magka-teammate sa University of Wisconsin…si LB Sam Williams at QB David Carr ng Giants ay nagkasama sa Fresno State…si TE Zach Miller at WR Derek Hagan ng Giants ay nagkalaro sa Arizona State…gayundin si WR Todd Watkins at LB Bryan Kehl ng Giants sa BYU…si TE Tony Stewart at T Kareem McKenzie ng Giants ay magkalaro naman sa Penn State…si QB JaMarcus Russell at CB Corey Webster ng Giants ay parehong nanggaling sa LSU…sila QB Charlie Frye at mga taga-Giants na si LB Chase Blackburn at WR Domenik Hixon ay magka-teammate at Akron…sa Virginia naman nagkalaro si LB Isaiah Ekejiuba at DT Chris Canty ng Giants…si DE Mathias Kiwanuka ng Giants at LB Ricky Brown ng Raiders ay sabay na nag-Boston College… at si S Michael Huff at CB Aaron Ross ng Giants ay parehong nasa team ng University of Texas.

GIANTS:Ang defensive line coach na si Mike Waufle ay dating nag-coach sa ganoong posisiyon sa Raiders noong 1998-2003…si OL Kevin Boothe ay dating ika-sixth round pick ng Raiders sa draft ng 2006 at nag-rookie siya sa Pilak at itim…si DL Dave Tollefson ay nag-aral sa Ygnacio Valley High School ng Concord at sumali sa sa practice squad ng Raiders noong 2007.

SERYE:Ang laro sa Linggo ay ang pang-11 na labanan ng Raiders at Giants simula pa noong 1973. Lamang ng panalo ang Raiders ng 7-3, at 4-2 sila sa Oakland, at 3-1 sila pagdayo sa New York.

HULING LARO: Tinalo ng New York Giants ang Oakland Raiders, 30-21, noong ika-31 ng Disyembre, 2005 sa Oakland.

HULING LARO SA GIANTS STADIUM: Tinalo ng Oakland Raiders ang New York Giants, 28-10, noong Nobiyembre 25, 2001 sa Giants Stadium sa East Rutherford, New Jersey.

NAKARAANG LINGGO: Natalo ang Oakland Raiders sa Texans sa Houston, 29-6 noong nakaraang Linggo. Umiskor ng dalawang field goal si K Sebastian Janikowski para sa Raiders – mula sa 46 yarda sa unang kuwarter at 33 yarda sa pangalawang kuwarter. SA SUSUNOD NA LINGGO:Ang Oakland Raiders ay maglalaro ng dalawang magkasunod na home game, una rito ay laban sa [**

**](http://www.newyorkjets.com/) sa Linggo, Oktubre 25 sa Oakland-Alameda County Coliseum.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising