Pumirma na si Tyvon Branch bilang Manlalaro ng Franchise

030112-franchise-story.jpg


Pumirma na si Oakland Raiders safety Tyvon Branch sa kanyang franchise tender, ito ang anunsiyo ng Oakland. Itinuring ng Pilak at Itim na ang beteranong defensive back ay ang franchise player ng team simula Marso 1.

Si Branch ay 6-footer at maytimbang na 205 libra at istarter siya sa bawat game nitong nakaraang tatlong season at siya ang nanguna sa pinakamaraming tackles sa bawat taon sa nakaraang dalawang taon. Sa kanyang apat na season sa NFL, naglaro na siya ng 56 games at 48 bilang istarter, at nakabuo na ng 347 tackle (267 ang solo), tatlong intersepsiyon, anim na sack, labing anim na nadepensahang pasa at tatlong napuersang fumble.

Siya ay tubong Cicero, N.Y., at nanguna siya sa Raiders at pangalawa siya sa lahat ng NFL defensive backs noong nakaraang season sa kanyang 109 tackles. Noong 2010, nanguna rin siya sa team ng 104 tackles at ang kanyang 4 sacks ay tumabla sa mga leader ng defensive backs sa buong NFL.. Siya angĀ  nanguna sa lahat ng NFL defensive backs sa kanyang 124 tackles at ito ay pang-10 sa buong liga noong 2009.

Napili siya ng Raiders sa pang-apat na rawnd (100th overall) ng 2008 NFL Draft. Ga;ling siya sa UConn.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.
Advertising