Raiders Unang Preseason Sa Huwebes Kalaban ang Arizona

080911-mcfadden-story.jpg

PETSA: Huwebes, Agosto 11, 2011, 7:00 n.g. PT | POOK: O.co Coliseum, Oakland, CA

NGAYONG LINGGO: Ang Oakland Raiders, miyembro ng Western Dibisyon ng American Football Conference, ay nasa ika-52 na season ng putbol. Uumpisan ng The Raiders ang 2011 preseason sa kanilang 'home' na laban sa Arizona Cardinals ng NFC West sa O.co Coliseum.

TELEBISYON AT RADYO:Sina Greg Papa at Tom Flores, kasama si Jim Plunkett, ay sabay na ihahatid ang laro sa Raiders Radio at sa Television Network. Ang lehendaryong Raiders na si George Atkinson ay ang analyst sa sideline katabi ng punong abala ng broadcast, ang popular na personalidad ng radyo na si JT the Brick.  Ang laro sa linggong ito ay ipalalabas sa TV ng tape-delayed sa KICU TV 36. Uulitin ang palabas sa Linggo ng tanghali sa Agosto 14 sa KICU TV36. Maririnig din ng live sa Raiders Radio Network na nagmumula sa KITS LIVE 105.3 FM at KFRC 1550 AM, ang flagship na estasyon ng Pilak at Itim para sa pang-maramihang estado na Radio Network. Si Papa at ang two-time Super Bowl tsampyon na head coach ng Raiders na si Tom Flores ay ang anawnser sa panglabing-apat na taon. Ang pregame at postgame show sa radio ay itatampok ang mga lehendaryong Raiders, na si Atkinson at David Humm.

SERYE ng RAIDERS-CARDINALS sa PRESEASON: Ang The Raiders at Cardinals ay nagsagupaan na ng labing-isang beses sa preseason at ang huling enkuwentro nila ay noong 2008. Lamang ng panalo ang The Raiders ng 7-4.

SERYE nila sa REGULAR SEASON: Lamang din ang The Raiders ng 5-3 na panalo laban sa Cardinals simula pa sa unang labanan nila noong 1973.

CONNECTIONS

RAIDERS: Si LB Travis Goethel ay dating naglaro sa  Arizona State…si WR Nick Miller ay taga-Mesa at nag-aral sa Red Mountain High School…si CB Stanford Routt at ang Cardinal na si G Rex Hadnot ay magkasama sa University of Houston…si TE Brandon Myers at ang Cardinal na si DE Kenny Iwebema ay nagka-teammate sa Iowa…si LB Kamerion Wimbley at ang Cardinal na si DT Darnell Dockett ay nagkasama rin sa Florida State…si LB Rolando McClain at ang Cardinal na si S Rashad Johnson ay nagka-teammate sa Alabama…si C Samson Satele at Cardinals FB Reagan Mauia ay nagkalaro sa University of Hawaii…Si S Michael Huff at ang Cardinal na si C Lyle Sendlein ay nagkasama sa Texas…si Raiders WR Darrius Heyward-Bey, at mga Cardinals na sina DE Jeremy Navarre, at Cardinals WR Isaiah Williams ay nagka-teammate sa Maryland…si Raiders LB Sam Williams at ang Cardinal na si TE Stephen Spach ay nagka-teammate sa Fresno State…si Raiders T Joe Barksdale at Cardinal na si CB Patrick Peterson ay nagka-team sa LSU, samantalang si Barksdale ay nag-aral din ng 8 mos sa LSU kasama si Cardinals WR Early Doucet….si Raiders S Tyvon Branch at ang Cardinal na sis RB Anthony Sherman ay nagkasama sa  Connecticut…si Raiders DE Matt Shaughnessy at ang Cardinal na si DE O'Brien Schofield ay naglaro sa Wisconsin…si Raiders LB Bruce Davis at ang taga-Cardinal na  DT David Carter, ay nagsama sa UCLA… ang Raiders offensive line coach na si Bob Wylie ay dating assistant coach sa Cardinals noong 2004…Nag-coach si Wylie sa abay ni Cardinals Defensive Coordinator Ray Horton sa Bengals noong 1997-98…ang  strength at conditioning coach na si Brad Roll ay nag-coach sa abay ni Cardinals quarterbacks coach Chris Miller ng Bills sa 2004-05. 

CARDINALS: Si TE Jim Dray ay galing sa Stanford…si FB Reagan Mauia ay nag-aral sa Tokay High School sa Lodi…sina CB A.J. Jefferson, NT Bryan Robinson at TE Stephen Spach ay dating manlalaro ng Fresno State…ang Cardinal na special teams coordinator na si Kevin Spencer ay dating assistant coach ng Raiders noong 1995-97.

PAMBUNGAD na LARO sa PRESEASON:Panalo ng 14-9 ang Raiders sa mga first game ng preseason na nilaro sa 'home.' Ang Pilak at Itim ay 27-23-1 overall sa lahat ng 51 beses na pambungad na laro mula pa noong sumali sila sa American Football League noong 1960.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.
Advertising