Tatanggap ng Jefferson Award si Asomugha

062510-asomugha-story-lg.jpg


Ang Oakland Raiders Pro Bowler na si CB Nnamdi Asomugha ay isa sa mga labinglimang taong pararangalan sa 2010 Jefferson Awards, na igagawad ng co-founder na si Sam Beard at ang emcee na si Chris Wallace ng Fox News Sunday. 

Ang Jefferson Awards ay itinatag nila Jacqueline Kennedy Onassis at U.S. Senator Robert Taft Jr. at Sam Beard noong 1973 at taon-taon ay ipinagdiriwang ang katuparan ng paglilingkod sa sambayanang America. Sa pagkilala sa mga tanyag at mga di-kilala, sa mga nag-iisa at sa mga organisasyon, ipinapakita sa award na ito ang natatanging mithiin ng ating bansa, ang paglilingkod para sa kabutihan ng karamihan.

Kasama sa mga nakaraang awardee ay sila Lance Armstrong, Hubert Humphrey, Dr. C. Everett Koop, General Colin Powell at Justice Sandra Day O'Connor. Gaganapin ang engrandeng seremonya sa Hunyo 22 sa National Building Museum sa Washington, D.C.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising