Skip to main content
Raiders
Advertising

Tinigil ng Cardinals ang Paghabol ng Raiders 31-27

081712-mcfadden-cp.jpg

Gumana si RB[Darren McFaddeninternal-link-placeholder-0]ng 51 yarda sa 10 na pagdala ng bola sa Arizona.Photo by Tony Gonzales.

Nanalo ang Raiders sa opening coin toss at pinili nilang tumanggap ng bola. Dinala ni WR Jacoby Ford ang opening kickoff ni K Jay Feely ng 20 yarda hanggang sa Oakland 14. Pumasok si  Carson Palmer na quarterback at na-three-and-out ang opensa ng Raiders. Ibinalik ni CB Patrick Peterson a 71 yarda na punt ni P Marquette King ng 46 yarda at tumigil sa Raiders 41.

Dinala ni QB Kevin Kolb ang Cardinals ng 41 yarda sa loob ng 7 play at winakasan ng 3-yarda na touchdown run ni RB Ryan Williams. Kasama ang extra point ni Feely, at sila ay umiskor ng 7-0 sa 10:56 ng orasan sa 1st kuwarter.

Ibinalik ni Ford ang kasunod na kickoff ng 24 yarda hanggang sa Raiders 18. Pinamunuan ni Palmer ang salakay para umiskor, at ito ay natulungan ng penalty sa kalaban dahil sa roughing the passer at isang pass interference sa end zone. Ang 81 yarda na drive sa 11 play ay tinapos ni K Sebastian Janikowski ng isang 18-yarda na field goal at lumapit sila sa Cardinals ng 7-3 sa 5:36 sa orasan ng 1st kuwarter. 

Sa kanilang 7 yardline nag-umpisa ang Arizona, matapos na ma-holding penalty sila sa pagtanggap ng kickoff.  Nang isadyang binato sa lupa ni Kolb ang bola, siya ay pinabagsak ni DT Tommy Kelly sa loob ng endzone kaya ito ay safety at dalawang puntos ang nakuha ng Raiders kaya dumikit sila sa Cardinals, ng  7-5.

Ibinaba ni Ford ang free kick sa Oakland 39, at sumugod ang Oakland ng 38 yarda sa loob ng 8 play. Isang pang field goal ang ipinasok ni Janikowski mula sa 40 yarda at lumamang ang  Raiders ng 8-7 at 35 segundo na lamang ang nalalabi sa 1st kuwarter.

Ang sumunod na kickoff ay nasalo sa end zone at ito ay touchback kaya sa kanilang 20 nagsiumula ang Cardinals. Napuersa sila ng Raiders sa three-and-out, salamat sa isang sack sa 3rd and 8. Naibalik ang punt ni P Dave Zastudil sa Oakland 42.

Ngunit naagawan ng bola si Palmer ni S Kerry Rhodes at siyang nagbalik ng 66 yarda hanggang sa Raiders 5 at mabuti na lamang at nasindak ng depensa ng Raiders si Kolb at napuersa nila ang Cardinals na sumipa ng 32-yard field goal. Bumalik muli ang lamang sa Arizona ng 10-8 sa 12:39 ng 2nd kuwarter.

Si RB Lonyae Miller ang nagbalik ng kickoff at humantong sa Raiders 22. Subali't nag-fumble si RB Mike Goodson at binigay ang bola sa Arizona sa Oakland 23. Pumasok na quarterback si John Skelton at sa maikling drive, hinagis niya ang bola ng 3-yarda kay FB Anthony Sherman para sa TD. Pumasok din ang extra point at lumaki ang lamang ng Cardinals sa 17-8 sa 9:55 ng 2nd kuwarter.

Na three-and-out ang Raiders at na-block ang punt ni King at dinala ni S Justin Bethel ng 19 yarda para sa touchdown. Kasama ang extra point, lumayo ang Cardinals ng 24-8 sa 8:20 sa 2nd kuwarter.

Ibinalik ni CB Bryan McCann ang kickoff pero dahil sa holding penalty nagsimula ang Raiders sa 7. Umabot ang salakay ng Raiders ng 59 yarda sa 14 play at umiskor sila sa 21 yarda na field goal ni Janikowski at nabawasan ang lamang ng Cardinals sa 24-11. Siyam na sandali na lamang ang nalalabi sa 2nd kuwarter.

Sa second half, dinala ni RB William Powell ang opening kickoff ni K Eddy Carmona sa second half ng 53 yarda hanggang sa Arizona 45. Si Ryan Lindley ang pumasok na quarterback at ang kanyang pasa ay agad na-intersep ni CB Chimdi Chekwa kaya nag-take over ang Raiders sa Oakland 34. Pumasok si Matt Leinart na quarterback.

Kumuha lamang ng isang first down ang Raiders bago sila napuersang mag-punt. Nagka-penalty ang Arizona sa punt at binigyan ng first down ang Raiders. Umiskor ang pagsalakay nila nang itakbo ni Miller ang 1-yarda TD. Pero na-block ang sipa ni Carmona para sa PAT at ang iskor ay 24-17 sa 10:16 ng 3rd kuwarter.

Ibinalik ni Powell ang kasunod na kickoff ni Carmona sa Arizona 23. Nahinto ang salakay ng Cardinals at sila ay nag-punt na ibinalik ni WR DeAundre Muhammad sa Oakland 14. Na penalty ang Arizona ng roughing the passer at lumabas si Leinart. Pumalit si Terelle Pryor na quarterback, pero nag-punt din ang Raiders.

Pagkaraan ng ilang play ng Cardinals, naagaw ni LB Carl Ihenacho ang bola mula kay Lindley at DE Hall Davis at umiskor ng TD. Pumasok ang PAT ni Carmona at nag-tabla ang laro sa 24-24 at 39 segundo ang nalalabi sa 3rd kuwarter.

Sa Arizona 27 dinala ni Powell ang kickoff at siya rin ang nagbigay ng lamang na 31-24 sa Cardinal sa kanyang 9 yarda na TD sa 11:25 ng game.

Na three and out ang Raiders sa sumunod na posesyon at nagsimula ang Arizona sa kanilang 23 at 8:59 na lang ang laro. Nag-fumble ang Cardinals at nakuha muli ng Raiders ang bola. Ipinasok ni Carmona ang 53 yarda na field goal at lumapit muli ang Raiders sa Cardinals sa 31-27 sa 5:36 ng laro.

Napanatili ng Cardinals na sa kanila ang bola at inubos na lamang ang orasan para masiguro ang panalo. Uuwi ang Raiders upang harapin ang Detroit Lions sa O.co Coliseum sa darating na Sabado.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising