Skip to main content
Raiders vs. Steelers
Advertising

Unang Tingin - New Orleans Saints

first-look-saints-story.jpg

Paghahandaan ng Raiders ang New Orleans Saints sa O.co Coliseum sa Linggo 11 ng 2012. Nagsimulang maglaban ang dalawang team noong 1971 at nagharap na ng 11 beses. Patas ang rekord ng Raiders at Saints sa kanilang all-time serye,  5-5-1.

Linggo 11 – Linggo, Nobiyembre 18 | O.co Coliseum | ala-1:05 n.h. PT | FOX

Ang Coach

Si Joe Vitt ay ang interim head coach ng Saints habang si Sean Payton ay nagsisilbi ng suspension. Dati nang assistant head coach at linebackers coach si Vitt mula pa noon 2006. Bago siya sumapi sa  Saints, si Vitt ay assistant head coach at linebackers coach ng St. Louis Rams at naging interim head coach ng Rams sa 11 games noong 2005. Nagdaan na rin siya sa ibat-ibang teams  - sa Kansas City Chiefs, Green Bay Packers, Philadelphia Eagles, Los Angeles Rams, Seattle Seahawks at Baltimore Colts.

Mga Dakilang Alaala sa Serye Nila

Ang pinakahuling laro ng Raiders at Saints sa regular season ay noong 2008 sa New Orleans at natalo ang Raiders ng 38-3. Nanguna sa Raiders defense si DB Gibril Wilson ng 10 tackles.

Punong abala ang Pilak at Itim noong Linggo 7 ng 2004 nang tinalo sila ng Saints ng 31-26 kahit na gumawa si QB Kerry Collins ng 350-yarda na passing at dalawang TD. Sumalo si WR Jerry Porter ng anim na pasa para sa 113 yarda at isang TD at si K Sebastian Janikowski ay sumipa ng apat na field goals.

Noong 2000, nanalo ang Raiders ng 31-22 sa Georgia Dome. Humagis si QB Rich Gannon ng 160 yarda at dalawang TD at me kasama pang 55 rushing yards. Sumugod din si RB Zack Crockett ng 17 beses para sa 44 yarda at dalawang TDs at si WR Tim Brown ay sumalo ng apat na pasa para sa 69 yarda at isang TD. Gumawa naman ang depensa ng 3 sack at isang intersepsiyon.

Sa Linggo 11 ng 1997 season, bumagsak ang Raiders ng 13-10 sa kanilang istadyum. Sumalo si WR Rickey Dudley ng limang pasa para sa 116 yarda at si RB Harvey Williams ang umiskor ng kaisa-isang TD ng Raiders.

Pinaghandaan ng Los Angeles Raiders ang Saints noong 1994 at nanalo ng 24-19. Bumato si QB Jeff Hostetler ng 310 yarda at tatlong TDs, dalawa nito kay WR Tim Brown. Sumugod si RB Harvey Williams ng 24 beses para sa 88 yarda at sumalo si WR Rocket Ismail ng apat na pasa para sa 68 yarda at isang TD. Nagtala ang depensa ng 4.0 sack at isang intersepsiyon.

Mga Palabok sa Istorya

Makakaharap ni Head Coach Dennis Allen sa kaunaunahang pagkakataon ang kanyang dating team na Saints kung saan siya naging assistant coach ng limang season - assistant defensive line coach (2006-07) at defensive backs coach (2008-10).

Si Aaron Kromer na Saints offensive line/running game coach ay dating Raiders offensive line coach sa mga taon 2001-2004.

Naglaro si LB Rolando McClain sa Alabama at nakasama si RB Mark Ingram at CB Marquis Johnson.

Magkikita-kita sila CB DeMarcus Van Dyke at TE Richard Gordon at dating ka-teammate sa Miami na si TE Jimmy Graham.

Makakaharap nila DE Jack Crawford, OL Stefen Wisniewski, LB Nathan Stupar, at DB Chaz Powell ang mga dating kasama sa Penn State na sina WR Derek Moye at G DeOn'tae Pannell.

Si DE Matt Shaughnessy at S Aaron Henry at mga Saints na si TE Jake Byrne, LB Jonathan Casillas, at WR Nick Toon ay dating mga Wisconsin Badgers.

Mga Pinili ng Saints sa 2012 Draft

Rawnd

Pwesto

Ngalan

Paaralan

3

DE

Aliem Hicks

Regina

4

WR

Nick Toon

Wisconsin

5

SS

Corey White

Samford

6

G

Andrew Tiller

Syracuse

7

T

Marcel Jones

Nebraska

Mga Tampok na Manlalaro na Bagong Kuha ng Saints

G Ben Grubbs (Ravens), DT Brodrick Bunkley (Broncos 2011, Eagles 2006-10), LB Chris Chamberlain (Rams), LB Curtis Lofton (Falcons), LB David Hawthorne (Seahawks), CB Elbert Mack (Buccaneers), QB Luke McCown (Jaguars 2007-11, Browns 2004).

Patuloy ang serye sa pagtingin sa Cincinnati Bengals.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising