Bumagsak ang Raiders sa Cowboys

112609cowboys-stadium-story.jpg


Bumisita ang Oakland Raiders sa Dallas upang harapin ang Cowboys sa Thanksgiving Day sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas. Tinalo ng Cowboys ang Raiders sa iskor na 24-7. Nakumpleto ni QB Bruce Gradowski ang 18 sa 35 na pasa para sa 200 yarda kasama ang unang-una na touchdown sa propesyonal na karrera ni rookie WR Darrius Heyward-Bey.

Piniling mag-receive ang Raiders nang manalo sila sa opening coin toss. Tumalbog sa endzone ang opening kickoff ni K David Buehler kaya touchback ito. Si Bruce Gradowski ang pumasok na quarterback para sa Raiders. Umabot sa 45 yardline ang atake ng Raiders bago sila napuersang mag-punt at sumipa si P Shane Lechler ng 55 yarda. Si Tony Romo ang quarterback para sa Cowboys.

Umabot ang atake ng Cowboys sa loob ng teritroyo ng Raiders pero dahil sa penalty humarap sila ng 3rd and 24. Naharang ni FS Michael Huff ang pasa ni Romo kay WR Roy Williams. Nag-take over ang Oakland sa kanilang 7 pagkaraan ng punt ni P Matt McBriar.

Hanggang sa kanilang 35 lamang umabante ang Raiders bago sila nag-punt. Gayundin na hindi naka-abante ang atake ng Cowboys.

Si WR/PR Johnnie Lee Higgins ang sumalo sa punt ng Cowboys at dinala niya ang bola sa Oakland 30. Humantong sa 48 ang Raiders bago nag-punt si Lechler. Nag-fair catch si WR Patrick Crayton sa Cowboys 13 at dahil sa penalty laban sa Raiders, nag-umpisa ang Cowboys sa kanilang 23. Lumusot si RB Tashard Chic ng 66 yarda hanggang sa Raiders 11. Matatag ang depensa ng Raiders at napilitang sumipa ng field goal ang Cowboys mula sa 36 yarda. Pumasok ito at ang Dallas ay nag-lead ng 3-0 at 39 segundo ang naiwan sa 1st kuwarter.

Sa sumunod na posesyon ng Raiders, isang first down lamang ang nakuha nila. Sumipa ng 66 yarda na punt si Lechler. Sa 2nd kuwarter, nakapuslit si RB Felix Jones ng 46 yarda at umiskor ng touchdown. Lumamang ang Cowboys ng 10-0 sa 10:48 pa ang orasan sa 2nd kuwarter.

Ibinalik ni Gary Russell ang sumunod na kickoff sa Oakland 17. Isang first down na naman ang nakuha ng Raiders bago sila nag-punt. Dinala ni Crayton ang 69 yarda na punt ni Lechler sa Dallas 28. Pumasok na naman ang atake ng Cowboys sa teritoryo ng Raiders at mabuti na lang at nag-mintis ang sinipang field goal ni Folk.

Na-three-and-out ang Raiders sa kanilang posesyon. Nag-take over sa Dallas 20 ang Cowboys. Nagkunekta si Romo at Austin sa isang jailbreak screen at itinakbo ni Austin sa endzone. Dagdag dito ang extra point ni Folk at lumamang ng 17-0 ang Cowboys at 33 segundo na lamang ang nalalabi sa 1st half.

Dinala niTE Tony Stewart ang punt sa Raiders 26. Hanggang sa midfield ang atake ng Raiders pero di pa rin umiskor.

Sa 2nd half, ang opening kickoff ni K Sebastian Janikowski ay tumalbog sa endzone para sa touchback. Ang drive ng Cowboys ay tumigil sa midfield ng si DE Trevor Scott ay naka-sack ng pangalawang beses, kaya nag-punt na lang si McBriar. Nag-fair catch si Higgins sa Raiders 11.

Sa loob ng 11-play tinapos ni Gradowski ang 88-yarda na drive ng isang 4-yarda na pasa kay WR Darrius Heyward-Bey para sa touchdown. Ito ang kauna-unahang touchdown reception ni Heyward-Bey. Dinagdagan ni Janikowski ang extra point at nabawasan ang lamang ng Cowboys sa 17-7. Meron pang 5:37 sa 3rd kuwarter.

Pagkaraan ng kickoff, hindi rin gumana ang Cowboys. Gayundin ang Raiders ay na-three-and-out. Pumaltos ang punt ni Lechler, at lumamang ng malaki ang Dallas ng dalhin ni Romo ang mga Cowboys sa endzone. Ang iskor ay 24-7 para sa Cowboys, at meron pang 13:12 sa buong laro.

Sa sumunod na posesyon, nag-fair catch si Higgins pero three-and-out ang Raiders. Three-and- out din ang Cowboys at nag-punt si McBriar para kay Higgins.

Umabante ang Raiders sa Cowboys 18 pero di na-convert ang 4th at 6. Humawak muli ang bola ang Cowboys at meron 1:49 na lang ang laro. Inubos na nila ang oras.

Bumaba ang rekord ng Raiders sa 3-8 at sila ay dadayo sa Pittsburgh upang harapin ang Steelers sa Heinz Field sa Linggo, ika-6 ng Disyembre.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising