Kinontrata Muli ng Raiders si Cartwright

022511-cartwright-story.jpg


Muling pinapirma ng kontrata sa Oakland Raiders ang beteranong running back at bida ng special teams na si Rock Cartwright. Sumali bilang free agent sa Raiders si Cartwright  noong Abril 2010.

Pagkaraan lamang ng isang season sa Pilak at Itim, hinirang si Cartwright sa 2010 Commitment to Excellence Award. Ang tumatanggap sa award na ito ay pinipili ng sariling teammates batay sa kanyang masipag na gawain, pamumuno at kagalingan sa loob at labas ng field sa buong season.

Naka-block ng isang punt si Cartwright para sa safety sa panalo ng Raiders sa San Diego Chargers sa 2010 Linggo 5 sa Oakland, at naibalik niya ang  bola ng 103 yarda sa anim na kickoff, at napuersa niya ang isang fumble laban sa Kansas City Chiefs sa Linggo 9, ng manalo ang Oakland ng 23-20 sa obertaym, at nakagawa din siya ng 17 tackles sa special team sa buong season.

Siyam na taon na siya bilang pro mula sa Kansas State at nag-laro na siya ng 139 beses at nag-rush na ng 911 yard sa 224 na pagdadala ng bola (4.1 bawat carry) at umiskor ng 6 na TDs.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.
Advertising