Kinontrata na ng Raiders si McClain

072810mcclain-story.jpg


Lumagda na sa Oakland Raiders si linebacker Rolando McClain, na miyembro ng 2010 Raiders Draft class.

Siya ay may tayong 6-3 at timbang na 255-libra at napili ng Pilak at Itim sa unang rawnd at pang-walo overall. Siya ay galing sa Alabama kung saan nanalo ng Butkus Award bilang pinakamagaling na linebacker sa buong bansa at malaki ang itinulong sa pagpanalo ng Crimson Tide sa BCS National Championship.

Si McClain ay buong pagkakaisang pinili sa first team All-America at siya ang naging ankla ng depensa na umabot na pang-apat na pinakamahigpit na depensa sa buong bansa.nitong nakarang taon. Sa kanyang karera sa Alabama, si McClain ay nag-istart ng 37 sa 41 games sa kanyang tatlong taon sa kolehiyo at bumuo ng 275 na tackles, walong sacks, limang intersepsiyon at 31.5 tackles na bumawas ng yarda sa kalaban.

Nakumpleto na ng Oakland ang mga transaksiyon sa siyam na napili sa draft at nagawa ito bago mag-umpisa ang Training Camp sa Napa, Calif. sa linggong ito.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.
Advertising