Kinontrata ng Raiders si Henderson

061510Henderson-story.jpg

Kinuha ng  Raiders si DT John Henderson.

Kinontrata na ng Oakland Raiders ang beteranong free agent na si DT John Henderson, dating manlalaro ng Jacksonville Jaguars. Nakapaglaro na si Henderson ng 124 League games at istarter siya sa 120 games.

Ang tubong Nashville ay meron rekord na 29 sack at  walong forced fumble simula nang mapili siya sa first round draft ng NFL noong 2002 bilang pang-9 overall na seleksiyon ng Jaguars. Meron din siyang 36 tackle, tatlong sack at dalawang forced fumble sa 2009 season.

Siya ay 6'7" at  may bigat na 335-libra at  sa kanyang kabuuang karera nabigo niya ang 38 na pasa, kabilang ng tatlo noong nakaraang season. Dalawang beses na siyang nahirang sa Pro Bowl at nakapaglaro ng 82 sunod-sunod na games noong 2002 hanggang 2007.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising