Kinontrata ng Raiders Si Offensive Lineman Ed Wang

050212-wang-story.jpg

Kinontrata na ng Oakland Raiders si offensive lineman Ed Wang.

Pumirma sa Oakland Raiders si offensive lineman Ed Wang. Siya ay nakapaglaro na ng anim na games sa NFL, lahat nito ay para sa Buffalo Bills noong 2010.

Si Wang ay maytaas na 6-5, at maytimbang na 321-libra. Natanggal siya sa Bills nang mapilayan sa nakaraang season. Pumasok siya sa liga bilang panglimang-rawnd na seleksiyon ng Bills (140th overall) sa 2010 NFL Draft, at siya ang kauna-unahang Chinese-American na manlalaro na na-draft sa NFL.

Siya ay taga-Ashburn, Va. at napili sa all-Atlantic Coast Conference bilang second-team mula sa Virginia Tech noong 2009 at naglaro siya sa posisyon ng tackle at tight end sa kanyang karera sa kolehiyo. Ang kanyang mga magulang ay miyembro ng Olympic team ng Tsina noong dekada na 1970.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.
Advertising