Pribyu ng Raiders Laban sa 49ers

PETSA: Sabado, Agosto 22, 2009, alas 5:15 n.h. PT | LOKASYON: Candlestick Park (San Francisco, CA)

NGAYONG LINGGO: Ang Oakland Raiders, miyembro ng Western Dibisyon ng American Football Conference, ay dadayuhin ang San Francisco 49ers na miyembro ng Western Dibisyon ng National Football Conference sa Sabado sa Candlestick Park ng San Francisco.
TELEBISYON/RADYO: Sila Greg Papa at Tom Flores, kasama si Jim Plunkett, ay magkasabay na ihahatid ang laro sa  Raiders Radio at Television Network. Magsisilbing sideline analyst ang lehendaryong Raider na si George Atkinson kapiling si JT the Brick, ang popular na personalidad ng radyo. Ang larong ito ay ite-televise ng live sa Bay Area ng KTVU Channel 2.  Ipalalabas din ng KCRA Channel 3 sa Sacramento. Maririnig naman sa Raiders Radio mula sa KSFO 560 AM, ang flagship na estasyon ng Radio Network ng Pilak at itim.

Pang-labindalawang taon na tuluyan nang anawnser sila Papa at Tom Flores, ang naging kampeon na head coach ng dalawang Super Bowl.  Sa pregame at postgame show sa radyo maririnig ang mga boses nila Atkinson at David Humm, kasama ni Rich Walcoff ng KGO.

MGA KONEKSIYON

RAIDERS: Sila Scot at David, ang mga anak ng player personnel executive na si Kent McCloughan, ay nasa staff ng  player personnel department ng 49ers…si David ay galing sa player personnel ng Raiders… ang passing game coordinator na si Ted Tollner ay dalawang beses na nagsilbi sa 49ers, una, bilang QB coach at offensive coordinator (2002-04), at pangalawa, bilang offensive assistant at QB coach (2007-08)…ang defensive coordinator na si John Marshall ay nagsilbi rin sa ganoong posisyon sa 49ers noong 1997-98… si QB coach Paul Hackett ay dating assistant coach ng 49ers noong 1982-85…si LB Isaiah Ekejiuba ay naging manlalaro ng Virginia kasama ng taga-49ers na sila LB Dennis Haley at Ahmad Brooks… si LS Jon Condo ay naglaro sa Maryland ganoon din si TE Vernon Davis ng 49ers… si RB Coach Kelly Skipper ay dating coach sa UCLA kasama ni OLB coach Jason Tarver ng 49ers noong 2000…ang 49ers na WR Jason Hill ay manlalao ng Washington State noong 2002-06 habang si RB coach Kelly Skipper ay coach doon ng mga running back at special teams... si Head Coach Tom Cable (1998-99) at 49ers secondary coach Vance Joseph (1999-2002) ay dating coach ng Colorado habang naglalaro doon si S Michael Lewis ng 49ers… si QB Jeff Garcia ay naglaro sa 49ers nong 1999-2003… si T Marcus Johnson ay naging ka-teammate ng mga 49ers na si LB Patrick Willis at WR Micheal Spurlock sa Mississippi… si DE Greg Ellis at 49ers CB Dre' Bly ay dating magkalaro sa North Carolina… si TE Darrell Strong at 49ers LB Scott McKillop ay magkasabay sa kolehiyo sa Pittsburgh…si WR Johnnie Lee Higgins at LB Thomas Howard ay kalaro ni WR Chris Francies ng 49ers sa UTEP… parehong galing sa Denver si WR Javon Walker at 49ers CB Dre' Bly noong 2007…si QB JaMarcus Russell at mga 49ers na si DB Curtis Taylor at DE Ricky Jean-Francois ay magkakasama sa 2007 BCS National Championship squad ng LSU…Dalawampu't tatlong taon na dating 49er si defensive line coach Dwaine Board, bilang manlalaro (1979-1988) at defensive line coach (1990-2002).

49ERS: Ang 49ers G/T na si Barry Sims ay dating Raiders noong 1999-2007…si K Joe Nedney ay naglaro din sa Raiders noong 1999 …si 49ers DB Tarell Brown ay kalaro sa Texas ni Raiders S Michael Huff…si 49ers offensive line coach Chris Foerster  at Raiders special teams coach John Fassel ay nagkasabay sa staff ng Baltimore Ravens staff  noong 2006-07…si 49ers S Dashon Goldson ay naglaro sa University of Washington kasama sina Raiders DE Greyson Gunheim, FB Marcel Reece, at RB  Louis Rankin…si RB Frank Gore ay naging kalaro din sa University of Miami ni Raiders DT William Joseph, na dating manlalaro ng N.Y. Giants habang coach doon si 49ers secondary coach Johnnie Lynn… si 49ers offensive coordinator Jimmy Raye ay nasa ganoong posisyon din sa Oakland Raiders noong 2004-05…gayundin si 49ers running back coach Tom Rathman sa Raiders noong 2007-2008…si 49ers QB Damon Huard at Raiders WR Samie Parker ay nagkalaro sa Kansas City from 2004-2007…at si 49ers DB Allen Rossum ay dating manlalaro ng Atlanta (2002-06) habang si Raiders Head Coach Tom Cable ay doon offensive line coach (2006).

SERYE NG RAIDERS-49ERS: Ito ay pang-37 preseason na labanan ng Raiders at 49ers. Lamang ng panalo ang Raiders 19-17 sa serye ng preseason na nagsimula pa noong 1967. Ito ang pagwalong sunod-sunod na taon na magkaharap sa preseason ang dalawang team ng Bay Area. Bago rito ang dalawang team ay nagsunod-sunod na nagkalaban noong taong 1976-93. Sa regular season, lamang din ang Raiders ng 6-5 sa panalo sa 49ers simula pa noong 1970 nang maglaban sila sa Oakland.

NAKARAANG LINGGO: Tinalo ng Oakland Raiders ang Dallas Cowboys 31-10 sa Oakland-Alameda County Coliseum sa pangunang laro nila sa preseason. Si TE Tony Stewart, RB Louis Rankin, RB Gary Russell at WR Will Franklin ay isa-isang umiskor sa end zone para sa PIlak at Itim.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising