Tummanggap ng Award ang Raiders Mula sa Dewey Academy

040811-Dewey.jpg


Sa ngalan ng Raiders tinanngap ni Monica Tucker ang Helping Hands Award mula kay Dewey Academy Principal Hattie Tate.Photo by Tony Gonzales.

Sa Dewey Academy Career Fair noong Biyernes ay iginawad sa Oakland Raiders ang Helping Hands Award para sa kanilang masugid na paglingkod sa mga estudyanteng mahihirap galing sa loobin ng siyudad. Si Monica Tucker, isang representante sa group sales at fundraising, ang tumanggap ng award sa ngalan ng Raiders.

Ilang taon ng sinuportahan ng Raiders ang Dewey Academy at lalo na noong 2010 season. Sabi ni Dewey Academy Principal Hattie Tate, "Talagang kasiya-siya na kasama ng Dewey Academy ang Raiders sa nakaraang mga taon. Napakaganda rin na nagpunta rito si Sam [Williams] sa taong ito.Talagang okey siya., relaks lang siya sa mga estudyante at madaling napalapit sila sa kanya."

Ipagmamalaki ng Oakland Raiders ang award na ito at inaasahan muli na ipagpapatuloy ang kanilang Paglingkod sa Komunidad.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.
Advertising