Raiders Nabigo sa Mahigpit na Labanan sa Chargers 24-20

091509murphy-story.jpg


Tinalo ng San Diego Chargers ang Oakland Raiders 24-20 sa isang kahindik-hindik na panimulang laro sa regular season ng 2009 sa Oakland-Alameda County Coliseum. Nasalo ni WR Louis Murphyang unang touchdown ng kanyang karera sa 57-yarda na pasa mula kay QB JaMarcus Russellat ito ay nagbigay ng lamang sa Raiders ng 20-17 sa dulo ng laro ngunit napakawalan ng Pilak at itim ang tagumpay.

Nakuha ng Raiders ang opening coin toss at piniling mag-receive. Tinanggap ni RB Louis Rankinang panimulang sipa ni K Nate Kaeding at ibinalik ito ng 23 yarda sa Oakland 29. Ang opening drive ng Raiders ay natigil nang maagawan ng bola si QB JaMarcus Russell ni CB Quentin Jammer at dinala nya sa San Diego 29.

Napako ng Raiders ang Chargers sa three-and-out, at pagkatapos ng 49 yarda na punt ni P Mike Scifres na sinalo ni WR Johnnie Lee Higgins, nagsimula ang atake ng Raiders sa kanilang 16. Tinapos ni Michael Bushang 10-play at umabot ng 84-yarda ang Raiders nang gumana siya ng 4-yard touchdown. Pumasok ang extra point ni K Sebastian Janikowskiat ang Raiders ay lumamang ng 7-0 lead, at 3:13 minuto na lamang ang 1st kuwarter.

Pagkaraan ng ilang play, narekober ni S Michael Huffang pambol ni RB LaDainian Tomlinson sa Oakland 9. Pero natigil din ang drive ng Raiders nang magpambol din si RB Darren McFaddenat nakuha ni LB Stephen Cooper ang bola sa Oakland 45.

Pagkatapos ng pitong play, umiskor si Tomlinson mula sa isang yarda at kasama ng extra point ni Kaeding, tumabla sila sa 7-7 nang meron pang 4:45 sa 2nd kuwarter.

Sa sumunod na posesyon, hindi nakaabante ang Raiders kaya sumipa si P Shane Lechlerng isang 55 yarda na punt at dinala ito ni Sproles sa Chargers 13.

Muling hinarang ng Raiders ang Chargers sa three-and-out at nag-punt si Scifres. Tinanggap ni Higgins ang 65-yarda na punt at dinala ng 14 yarda hanggang sa Oakland 36. Maganda ang pagkasalo ni WR Louis Murphy sa endzone na inakalang touchdown pero binawi ito ng mga referee pagkatapos na ma-review ang replay sa tv. Matulis na sinipa ni Janikowski ang 37-yarda na field goal at lumamang ang Raiders ng10-7 ng meron 40 segundo na lamang ang 2nd kuwarter.

Naibalik ni Sproles ang kickoff sa Raiders 41-yard line. Pagkaraan ay na-itabla ni Kaeding ang laro sa 10-10 ng isang 47-yarda na field goal.

Sa 2nd half, pinabagsak si Sproles sa opening kickoff sa San Diego 15. Pumasok ang atake ng San Diego sa teritoryo ng Raiders pero naagaw ni Huff ang pasa ni QB Philip Rivers ng matapik ito ni safety Tyvon Branch. Nag-take over ang Raiders sa kanilang 37 subali't napuersa sila sa three-and-out.

Muling si Sproles ang sumalo ng 54-yarda na punt ni Lechler at dinala ang bola sa San Diego 18. Binawian ng Raiders ng three-and-out ang Chargers. Ang 57 yarda na punt ni Scifres ay dinala ni Higgins sa Chargers 48, subali't hindi lumayo ang atake ng Raiders at nag-punt muli si Lechler. Ito ay sumobra sa endzone at na-touchback.

Dahil sa mga penalty natigil ang atake ng Chargers nang hindi sila lumusot sa 3rd and 30. Pagkatapos na maibalik ang bola ni Higgins sa Oakland 27, na-three-and-out ang Raiders. Ibinalik ni Sproles ang punt ni Lechler sa San Diego 33.

Tinapos ni DE Greg Ellisang atake ng San Diego nang i-sack niya ang QB ng kalaban. Tinanggap muli ni Higgins ang punt ni Scifres sa Oakland 32. Sa dulo nang matatag na pitong-play at 51-yarda na abante ng Raiders, pumasok ang 35-yarda na field goal ni Janikowski at lumamang ang Pilak at itim ng 13-10 sa 13:01 ng orasan sa 4th kuwarter.

Si Sproles muli ang nagbalik sa punt at ibinaba ang bola sa Chargers 23. Kumunekta si Rivers kay WR Vincent Jackson para sa isang 15-yarda na touchdown at dagdag ang extra point ni Kaeding natapos ang atake ng Chargers sa 10-play at 77-yarda. Lumamang sila ng 17-13 at 7:22 minuto na lang ang nalalabi sa laro.

Si Rankin ang nagbalik sa kickoff at dinala niya sa Oakland 29. Pagkatapos ng ilang play, sa 4th and 14, nakuha ni Murphy ang kanyang touchdown nang makapasok siya sa likuran ng depensa ng kalaban at sinalo ang 57-yarda na hagis ni Russell. Kasama ang PAT ni Janikowski ay lumamang muli ang Raiders ng 20-17 at 2:34 na lang ang laro.

Ibinalik ni Sproles ang kickoff sa kanilang 11. Umabante ang San Diego sa field at umiskor ng 4-yarda na touchdown ng lumusot si Sproles. Dagdag ang PAT, nanguna muli ang Chargers a 24-20 at 18 sandali na lamang ang natitira.

Ang panghuling bato ni Russell ay na-intersep at nagtagumpay ang San Diego. Sa susunod na linggo, dadayo ang Raiders sa Kansas City upang harapin ang Chiefs sa Arrowhead Stadium.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising