Raiders Pinabagsak ang Steelers 27-24

120609murphy2.jpg


Tinalo ng Oakland Raiders ang kasalukuyang Super Bowl Champion na [**

](/team/roster/louis-murphy/36cc6998-a999-45f9-bb03-dc4ceef2d81f/ "Louis Murphy")* *para sa touchdown sa kahulihang siyam na segundo ng laro.

Nahulaan ng Steelers ang opening coin toss at sila ay nag-receive. Sinalo ni Stefan Logan ang opening kickoff at dinala niya ng 83 yarda hanggang sa Raiders 19-yard line. Napuersa ng Raiders ang three-and-out at ipinasok ni K Jeff Reed ang field goal mula sa 33 yarda kaya lumamang ang Steelers ng 3-0 sa 13:34 ng 1st kuwarter.

Si RB Gary Russell*ang nagbalik ng kickoff at dinala niya ang bola ng 34 yarda hanggang sa Oakland 42. Sa loob ng 8 play at 28 yarda na drive, umabante ang Raiders bago sila natigil sa Pittsburgh 30. Dito sumipa ng 48 yarda na field goal si K Sebastian Janikowski *at tumabla ang Raiders sa 3-3 at meron 8:36 pa ang 1st kuwarter.

Sa mga sumunod na mga play, nagpalitan ng three-and-out ang Raiders at Steelers. Ang maalaala sa eksenang ito ay ang pagsipa ni P Shane Lechler* *ng isang 58 yarda na punt at ang matagumpay na pagdedepensa ng Raiders ng 4th and 1 sa kanilang 5 yardline.

Sa muling paghawak ng bola, umiskor ng TD ang Steelers ng makuha ni WR Santonio Holmes ang isang 34-yarda na pasa at kasama ang extra point ni Reed ay lumamang ang Steelers ng 10-3 sa 13:49 ng 2nd kuwarter.

Sumagot ang Raiders nang ibalik ni TE Tony Stewart* *ang maiksing kickoff at dinala niya sa Oakland 21. Sa dulo ng 9 play at 53 yarda na drive, sumipa ng field goal si Janikowski mula sa 43-yarda at nabawasan ang lamang ng Pittsburg sa 10-6 sa 8:17 ng 2nd kuwarter.

Hindi gumana ang sumunod na atake ng Steeleres, at na-three-and-out naman ang Raiders. Sa muling posesyon ng Steelers ay na-intersep ni safety Hiram Eugene* *ang pasa ni Roethlisberger. Ito ang pinakaunang interesepsiyon sa karrera ni Eugene. Hindi naman umiskor ang Raiders at lumuhod si Roethlisberger sa huling 7 segundo ng 1st half.

Si Gary Russell ang nagbalik ng opening kickoff sa 2nd half at dinala ang bola sa Oakland 26. Sa midfield nahinto ang atake ng Raiders, at gayundin na hindi rin naka-iskor ang Steelers. Pagkaraaan na ma-three-and-out ang Raiders, nahirapan din umatake ang Steelers at isang 53 yarda na field goal ang nagmintis.

Sa 43 nag-umpisa ang Raiders at sa dulo ng 11-play at 57-yarda na drive, isang17 yarda na pasa ni Gradkowski ang nasalo ni WR Chaz Schilens* *at umiskor ng touchdown. Kasama ang extra-point ni Janikowski ay lumamang ang Raiders ng 13-10 sa 8:21ng 4th kuwarter. Dito nag-umpisa ang tunay na bakabakan ng dalawang team.

Si Logan ang nagbalik sa kickoff at dinala niya ang bola sa Steelers 40. Sa dalawang play lamang, gumana ang Steelers ng touchdown nang lumusot si RB Rashard Mendenhall mula sa 3 yarda. Kasama ang extra point ni Reed, ay lumamang muli ang Pittsburgh ng 17-13 sa 7:13 ng 4th kuwarter.

Si Gary Russell muli ang nagbalik ng kickoff at ibinaba niya ang bola sa Raiders 16. Pagkaraan ng tatlong play, isang bomba ang pinalipad ni Gradkowski kay WR Louis Murphy at naging 75 yarda na touchdown. Idinagdag ni Janikowski ang extra point at naagaw muli ang lamang ng Raiders sa 20-17 sa huling 5:28 ng laro..

Na touchback ang kickoff ni Janikowski at sa 20 nag-umpisa ng atake ng Pittsburgh. Kumunekta si Roethlisberger kay WR Hines Ward para sa 11-yarda na TD. Nabawi agad ng Pittsburgh ang lamang sa iskor na 24-20 at 1:56 na lamang ang laro.

Sa kickoff at dahil sa penalty, nag-umpisa ang Raider sa kanilang 12. Parang maestro enhinyero ang pag-maneho ni Gradkowski sa scoring drive ng Raiders at kanyang tinapos ng 11-yarda na touchdown pasa kay Murphy. Kasama ang extra point ni Janikowski ay nakuha muli ang lamang ng Raiders sa pinal na iskor na 27-24, at siyam na segundo na lamang ang natitira sa laro.

Tumaas ang rekord ng Raiders sa 4-8 sa 2009 Regular Season at balik-bahay sila sa linggo upang harapin ang [**

**](http://www.redskins.com/) sa Oakland-Alameda County Coliseum.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising