Raiders Sa Linggong Ito Marso 23

Raiders Nakaluksa Dahil sa Mga Pulis
Marso 23, 2009

Nakaluksa ang Oakland Raiders dahil sa pagpanaw ng apat na pulis ng Oakland Police na namatay kamakalawa habang nasa "in the line of duty." Kami ay lubos na nagpapasalamat sa mga alagad ng batas sa serbisyong kanilang ibinibigay sa ating komunidad, at kami'y nakikidalamhati sa kanilang mga pamilya, mga kaibigan at mga kapwa pulis.  Ang mga namatay na pulis ay si Sgt. Mark Dunakin at John Hege, parehong  mga hagad, at sina Sgt. Ervin Romans at Daniel Sakai, na mga miyembro ng SWAT team.

SWARCO Raiders Nag-EensayoMarso 19, 2009

Kulang na dalawang linggo na lamang bago magsimula ang season ng Austrian Football League at ang SWARCO Raiders ay makikitang puspusan ang pag-ensayo nang maglaro sila ng "scrimmage" laban sa Salsburg Bulls, isang team ng Dibisyon I noong Linggo. Ito ang unang pagsubok kay Santos Carrillo, ang bagong head coach, at kanyang napagmasdan ang mga import na Norte Amerikano at mga coach. Ang team ay patungo ng Lido di Savio, Italia sa linggong ito upang magtreyning sa kampo ng apat na araw. Isang player na kailangang matanggalan ng kalawang ng katimugan Europa ay si Gonzalo Segovia, ang defensive lineman na babalik sa Innsbruck sa Martes para sa pang-apat na season.

Nag-Umpisa na ang Off-Season Workout
Marso 16, 2009

Sinimulan ng Oakland Raiders ang 2009 Off-Season Workout Program noong Lunes sa pasilidad nila sa Alameda, California sa direksiyon ni Brad Roll, ang pangalawang taon na strength and conditioning coach ng Raiders. Ang 2009 team ng Pilak at Itim ay magsisimula nang sasagupa sa weight room at sa "patio" patungo sa practice field, una lamang sa maraming sesyon ng weight treyning at kondisyoning. Ang programang ito ay nagsisilbing pampalakas ng mga player upang ihanda sila sa napakatinding pagsubok sa putbol na propesyonal. Ito rin ay makakatulong sa pagpahigpit ang di matiwalag na pagkakaibigan ng mga players upang magkaroon ng nagkakaisang hangarin ang buong organisasyon.

Mga Import ng SWARCO Raiders
Marso 12, 2009

Bilang paghanda ng naghaharing kampeon ng  Eurobowl na SWARCO Raiders sa bagong season sa Austrian Football League na magsisimula sa Marso 28 ay ipinakilala ang kanilang mga import at mga assistant na coach noong Sabado. Kamakailang lang, ipinahayag ng Austrian Football Federation at mga team ang bagong tuntunin na apat lamang at hindi anim ang maaring player na taga-ibang bansa.sa bawat team. Pangungunahan ang SWARCO Raiders ni quarterback Jason Johnson, na dating naglaro sa University of Arizona at sa Canadian Football League. Isa sa mga receiver ay si Matt Epperson, kanyang ka-teammate sa Italian League. Dalawang All-Canadians ang kinontrata naman ng Tyroleans sa depensa, ang defensive back na si Alexander Hoad ng University of Ottawa at ang defensive lineman na si Nick Comly ng Arcadia University.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising