Binago ng Raiders ang kanilang Player Personnel Department

051512-herock-story.jpg

Sumama si Shaun Herock sa Raiders bilang director ng college scouting.Photo by Tony Gonzales.

Inihayag noong Martes ng The Oakland Raiders ang mga pagbabago sa player personnel department ng organisasyon.

Hinirang ng team si Teddy Atlas na scouting coordinator, si Calvin Branch na college scout, si Joey Clinkscales na director – player personnel, si  Zack Crockett na college scout, si Tom Delaney director – football administration, si  Shaun Herock na director - college scouting, si Von Hutchins na pro scout, si Brad Kaplan na college scout, si Larry Marmie na pro scout, si Mickey Marvin na college scout, si David McCloughan na college scout, si Raleigh McKenzie na college scout, si Trey Scott na college scout, at si Dane Vandernat na pro scout. 

Si Clinkscales ay dumating sa Pilak at Itim na galing sa pagsisilibi ng 17 na season sa New York Jets, at doon ay natapos siya sa posisyon na vice president – college scouting. Siya ang namahala sa buong pagpalakad ng college scouting sa Jets at nakipag-ugnay siya sa football staff taon-taon upang makapaghanda sa NFL Draft. Na-promote ng Jets si Clinkscales sa national scout noong 2002 nang siya ay southeast region scout. Siya ay dating wide receiver ng Pittsburgh Steelers (1987) at ng Tampa Bay Buccaneers (1988) at sumapi siya sa Jets pagkagaling na scout sa National Football Scouting Combine Service. Naging part time na scout din siya ng Steelers noong 1989-93. Siya ay taga-Ashville, N.C

Nagsilbi si Herock ng 19 taon sa Green Bay Packers bago siya sumapi sa Raiders, at assistant director siya sa college scouting ng 11 na taon. Nag-umpisa siya sa kanyang karrera sa Atlanta Falcons mula 1989-92 at pagkatapos ay sumali sa Packers bilang isang intern. Sa kolehiyo, naglaro si Herock ng apat na taon sa Richmond, sa posisyon  na center at tackle. Nagtapos siya sa Richmond ng sociology.

Si Hutchins ay patungo sa Raiders pagkagaling na training camp personnel intern para sa Green Bay Packers noong 2011. Dating defensive back siya sa Indianapolis Colts at Houston Texans sa mga taon 2004-2007 at naglaro siya ng 38 games at 16 nito bilang istarter. Nagtapos siya sa University of Mississippi at napili siya sa 6th rawnd ng Colts noong 2004 NFL Draft.

Naglaro si McKenzie sa Washington Redskins sa posisyon na guard noong 1985-94 at kasapi siya sa dalawang tagumpay nila sa Super Bowl. Nahirang siya sa All-NFL team noong 1991. Naglaro rin siya sa Philadelphia Eagles, San Diego Chargers at Green Bay Packers bago nag-retire sa katapusan ng 2000 season.

Si Scott ay mag-uumpisa sa Pilak at Itim pagkagaling sa player personnel department ng Washington Redskins. Siya ay tubong Kansas City, Kan., at nagtapos siya sa Kansas State, kung saan siya ay naglaro na quarterback at nag-major sa business management. 

Sumapi sa Raiders si Atlas noong Pebrero 2011 at kanyang ikalawang taon na sa Raiders pero unang taon niya bilang college scouting coordinator. Nag-intern siya sa New York Jets sa football operations department noong 2008 at naging football operations assistant sa Cleveland Browns noong 2009 bago siya naging full-time personnel assistant sa 2010.Siya ay tubong Staten Island, N.Y.

Nagsimula si Branch sa Raiders bilang sixth-round pick sa 1997 NFL Draft mula sa Colorado State. Naglaro siya sa defensive back pero sumikat siya sa special teams sa Pilak at Itim sa mga taong 1997-2001. Sumapi siBranch sa Raiders player personnel department noong 2007.

Ika-4 season na ni Crockett sa player personnel staff ng Raiders. Naglaro siya ng 14 season sa NFL, walo nito bilang fullback ng Pilak at Itim (1999-06). Umiskor siya ng 35 rushing touchdowns para sa Raiders, at siya ay pangatlo sa all-time franchise record ng Raiders. 

Papasok na sa ika-13 na taon sa Raiders si Delaney at sa taong ito ay director- football administration na siya. Siya ay taga-Pleasanton, Calif., at meron siyang math degree mula sa UC Davis. Siya ay financial analyst sa asset management bago sumapi sa Raiders.

Si Kaplan ay sumali sa Pilak at Itim noong 2007 at nag-trabaho siya sa personnel department ng pang-kolehiyo at pang-propesyonal. Siya ay tubong Los Angeles, at nagtapos ng business administration sa Cal Poly San Luis Obispo noong 2007.

Coach na si Marmie ng sumapi siya sa Pilak at Itim, at katatapos lang na nagsilbi na assistant coach sa United Football League pagkaraan ng tatlong season sa Seattle Seahawks. Bago siya nagpunta sa Seattle, si Marmie ay defensive coordinator sa St. Louis Rams (2004-05) at sa Arizona Cardinals (2000-03). Si Marmie ay nag-coach sa kolehiyo ng 28 taon kasama rito ang pag-head coach sa Arizona State (1988-91).

Si Marvin ay 35 taon na sa Pilak at Itim bilang player at scout. Naglaro siya ng 11 season bilang offensive lineman sa Pilak at Itim Black (1977-87), at kasama sa kampeonato ng Super Bowls XV at  XVIII.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.
Advertising