Skip to main content
Raiders
Advertising

Bumagsak ang Raiders Sa Titans 38-13 sa Nashville

091210-seymour.jpg

Itinakbo ni DT [Richard Seymourinternal-link-placeholder-0] (92) ang bola pagkatapos na mag-fumble si QB Vince Young ng Titans nang na-sack at nahugutan siya ni LB [Kamerion Wimbleyinternal-link-placeholder-0] .Photo by Tony Gonzales.

Tinalo ng [**

internal-link-placeholder-0]* *ng Raiders at nakayari ng sack at nakapuersa ng fumble si LB Kamerion Wimbley pero nagkulang pa ito.

Panalo sa opening coin toss ang Titans at ipinagpaliban ang pagtanggap ng bola sa second half, at pinili ng Raiders na mag-receive. Si WR [Yamon Figursinternal-link-placeholder-0]* *ang sumalo sa kickoff ni K Rob Bironas at agad siyang tinamaan at nag-fumble. Narekober ang bola at nag-umpisa ang Raiders sa kanilang 22. Na-three and out ang Raiders at nang masipa ang punt, dinala ni Marc Mariani ang bola sa kanilang 24 at doon nagsimula ang atake ng Tennessee.

Umabot ang Titans sa teritoryo ng Raiders bago na-sack ni LB Kamerion Wimbley si QB Vince Young at hinugot niya ang bola. Ang na-fumble na bola ay narekober ni Richard Seymour ng Raiders at dinala niya sa Tennessee 34. Umabot ang Raiders sa loob ng Tennessee 20 bago sila nahinto. Sinipa ni K [Sebastian Janikowskiinternal-link-placeholder-0]* *ang 34-yarda na field goal at lumamang ang Raiders ng 3-0 sa 6:19 ng orasan ng 1st kuwarter.

Ibinalik ni Mariani ang kickoff sa Titans 26. Sumagot ang Titans ng isang 56-yarda na pasa ni Young kay WR Nate Washington at umiskor ng touchdown. Nang maidagdag ang extra point, lumamang ang Titans ng 7-3 sa 4:39 ng 1st kuwarter.

Si Figurs muli ang sumalo sa kickoff na umabot sa end zone para sa touchback at nag-umpisa ang Raiders sa kanilang 20. Pagkaraan ng isang first down, na-sack ni DE Jacob Ford si QB [Jason Campbellinternal-link-placeholder-0]* *at dahil dito na-fumble ang bola na dinampot ni S Michael Griffin at kanyang dinala ng 33 yarda para sa touchdown. Hinamon ni Raiders Head Coach Tom Cable ang ruling sa fumble.  Pinatunayan na napabagsak nga si Griffin dahil sa kontak at binawi ang touchdown. Nag-take over ang Titans sa Raiders 23. Nahinto ng Raiders ang Titans sa three and out. Pumasok ang 43-yarda na field goal ni Bironas at 10-3 na ang lamang ngTitans at meron 1:39 pa ang 1st kuwarter.

Muling si Figurs ang nagbalik sa kickoff at dinala nito sa Oakland 17. Nakaabot sa kanilang 44 ang Raiders bago sila nahinto sa 4th and 1 at nag-punt. Ibinalik ni Mariani ang bola sa Titans 14. Umabot ang Titans sa Raiders 46 bago napuersa ng Raiders na magpunt si P Brett Kern. Ibinaba ng Tennessee ang punt sa Raiders 9. Na-three and out ang Raiders at ang Titans ay nag-take over sa kanliang 39 nang mag-out of bounce ang 48-yarda na punt ni Lechler.

Si RB Javon Ringer ang tumapos ng 61 yarda na drive sa loob ng 8-play, nang umiskor siya ng 15-yarda na TD run. Kasama ang extra point ang Titans ay humirit na sa 17-3 sa 3:45 ng 2nd kuwarter.

Si Figurs pa rin ang nagbalik sa kickoff at na-three and out muli ang Raiders. Sumipa ng 68 yarda na punt si Lechler at dinala ni Mariani ang bola sa Titans 24.

Sa huling 16 na sandali ng 1st half umabante ng 63 yarda ang Oakland sa loob ng 8 play at sumipa si Janikowski ng 31-yarda na field goal upang bawasan ang lamang ng Titans sa 24-6. Pagkaraan ng kickoff, lumuhod na lang si Young upang ubusin ang oras ng 1st half.

Nag-umpisa ng 2nd half ang Raiders ng ma-penalty sila sa kickoff at sa 34 nag-umpisa ang Titans. Three and out ang Titans. Sa Raiders 19 ibinalik ni Figurs ang punt ni Kern. Umatake ang Raiders at sumipa si Janikowski ng 53-yarda na field goal pero nagmintis sa kanan. Nag-take over ang Titans sa kanilang 43.

Umiskor ng 4 yarda na TD run ang Tennessee at lumamang ng malaki ang Titans ng 31-6 at meron pang 1:47 sa 3rd kuwarter.

Ang kickoff ay lumampas sa endzone at na-touchback sa Raiders 20. Ang atake ng Raider sa ay nahinto nang ma-intersep ni Chris Hope ang pasa ni Campbell at dinala niya ang bola sa Raiders 3. Kumunekta si Young kay TE Bo Scaife sa 3rd and goal para sa 1-yard TD pass. Ang lamang ng Titans ay 38-6 sa 14:55 ng 3\4th kuwarter.

Dinala ni Campbell ang Raiders ng 80 yarda sa loob ng 12 play at pinasahan niya ng 7-yarda si RB Darren McFadden na umiskor ng TD. Pumasok ang extra point at nabawasan sa 38-13 ang lamang ng Titans sa 9:58 sa 4th kuwarter.

Ang kickoff ni Janikowski ay lumampas sa end zone at touchback ito. Na-three and out naman ang Tennessee at sa 35 nag-take over ang Raiders dahil sa maikling punt. Umabot sa loob ng teritoryo ng Titans ang mga Raiders pero di nila na-convert ang 4th and 10. Sa kanilang 8 nag-umpisa ang Tennessee at anim na minuto na lamang ang naiwan.

Na-three and out ang Titans at dinala ni Higgins ang punt sa Raiders 35. Hindi naka-iskor ang Raiders at ang nalalabing 3:32 ay madaling  inubos ng Titans upang makuha ang tagumpay.

Bumagsak ang Raiders sa 0-1 at babalik sa kanilang 'bahay' upang harapin ang [**

](http://www.stlouisrams.com/) sa Oakland-Alameda County Coliseum sa isa na namang aksiyon sa Linggo 2 ng 2010 regular season. Mga Talaan sa Laro: Si S [Hiram Eugeneinternal-link-placeholder-0] , WR Yamon Figurs at G [Robert Galleryinternal-link-placeholder-0] **ay di nakatapos ng laro dahil sa nasaktan sila. Nitong nakaraang Linggo sa Nashville, nakipanayam si Amy Trask ang Raiders Chief Executive sa mga fans ng Raiders mula sa North Carolina, Georgia, Pennsylvania, Mississippi, New York, California, Tennessee, Massachusetts, Texas, Ohio, Florida, Louisiana, at Indiana.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Latest Content

Advertising