Unang Tingin - Carolina Panthers

first-look-panthers-story.jpg

Patungo ang Raiders sa Bank of America Stadium upang labanan ang Panthers sa Linggo 16 ng the 2012 season. Nagsimula ang labanan nila noong 1997 at mula noon apat na beses silang nagkaharap, at patas sa dalawang laro ang panalo nila.

Linggo 16 – Linggo, Disyembre 23 | Bank of America Stadium | Alas-10:00 n.u. PT | CBS

Ang Coach

Papasok na si Ron Rivera sa kanyang ikalawang season bilang head coach ng Carolina Panthers. Sa 2011, nagtapos ang Panthers ng 6-10 na  rekord, at pinabuti ang 2-14 na rekord nila sa 2010. Bago umabot sa kanyang posisyon sa Carolina, si Rivera ay defensive coordinator para sa San Diego Chargers (2008-10) at linebackers coach (2007-08). Nagsilbi siyang defensive coordinator ng Chicago Bears sa mga taon 2004-2008 at linebackers coach ng Philadelphia Eagles noong 1999-2003. Nagsimula sa karera na coach sa NFL si Rivera noong 1997 bilang defensive quality control sa Bears. Naglaro si Rivera ng college football sa University of California at naglaro ng siyam na season sa NFL, lahat sa Chicago Bears.

Ang Nakaraan sa Serye Nila

Hulling nagkita ang Raiders at Panthers noong 2008 sa Oakland. Nabigo ang Raiders ng 17-6 kahit na kumuha ng 98 total yarda si RB Justin Fargas dahil nga sa napuersang mag-punt si P Shane Lechler ng 11 beses.

Dumayo ang Raiders sa North Carolina para sa Linggo 9 ng 2004 season at umuwi na panalo ng  27-24. Lumusot si  RB Tyrone Wheatley para sa dalawang two TD, dagdag din si RB Amos Zereoue ng isang TD at sumipa si K Sebastian Janikowski ng dalawang field goal. Gumawa si DT Tommy Kelly ng tatlong tackle, isang sack at namuersa ng isang fumble.

Umiskor ang Pilak at Itim ng 52 puntos sa Linggo 17 ng 2000 sa Oakland, at nanalo ng 52-9. Bumato si QB Rich Gannon ng 230 yarda at limang TD, dalawa kay TE Rickey Dudley, dalawa rin kay TE Jeremy Brigham, at isa kay WR Tim Brown. Naka-intersep si DB Eric Allen ng isang pasa at ibinalik niya ng 37 yarda para sa touchdown.

Ang panimulang labanan nila ay ginanap sa Carolina noong Nobiyembre 2, 1997 at tinalo ng Panthers ang Raiders ng 38-14 sa Ericcson Stadium. Bumato si QB Jeff George para sa 304 yarda at dalawang TD. Nakasalo si RB Napoleon Kaufman ng pitong pasa para sa 70 yarda at isang TD. Gumawa din ng isang TD si WR James Jett. Tagabalik ng kickoff si WR Desmond Howard at bumuo ng 101 yarda.

Mga Palabok sa Istorya

Si Richard Rodgers, ang Panthers assistant special teams coach ay lumahok sa Minority Internship Program ng NFL at nag-training sa Raiders noong 1996.

Kalaro ni SS Tyvon Branch si Panthers CB Darius Butler sa UConn.

Makakaharap ni TE Brandon Myers and dating ka-teammate sa Iowa, si S Charles Godfrey.

Kalaro din ni T Joe Barksdale at S Curtis Taylor si WR Brandon LaFell sa LSU..

Makaka-enkuentro ng Raiders ang dating 4th rawnd pick na si T Bruce Campbell na napunta sa Panthers nang magpalitan ng players para kay RB Mike Goodson.

Si QB Terrelle Pryor at CB Chimdi Chekwa ay dating taga-Ohio State at ka-teammate nila si Panthers G Bryant Browning.

Galing si LB Aaron Curry sa Wake Forest at kalaro si Panthers DE Jyles Tucker.

Naglaro si S Aaron Henry sa Wisconsin at nakasama si Panthers P Brad Nortman.

Nalipat si WR Louis Murphy sa Panthers sa ginanap na palitan ng players nila ng Raiders kamakailan lang.

Mga Pinili ng Panthers sa 2012 Draft

Rawnd

Pwesto

Ngalan

Paaralan

1

LB

Luke Kuechly

Boston College

2

T

Amini Silatolu

Midwestern St

4

DE

Frank Alexander

Oklahoma

4

WR

Joe Adams

Arkansas

5

CB

Josh Norman

Coastal Carolina

6

P

Brad Nortman

Wisconsin

7

FS

D.J. Campbell

California

Mga Tampok na Players na Kinuha ng Panthers

S Haruki Nakamura (Ravens), RB Mike Tolbert (Chargers), G Mike Pollak (Colts), LB Kenny Onatolu (Vikings), OL Bruce Campbell (Traded from Raiders), S Reggie Smith (49ers)

Tala ng Editor: Umaasa kami na nasiyahan kayo sa serye, Salamat sa inyong pagbabasa!

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising