Unang Tingin - Lions at Raiders

Lions-story.jpg


Lalabanan ng The Oakland Raiders ang Detroit Lions sa Sabado ng Agosto 25 sa alas-4 n.h. PT. Ang larong ito ay ang pang-anim lamang na preseason game ng Raiders at Lions at nakararami ng panalo ang Raiders sa 4-1.

Abante rin sa panalo (6-5) ang Raiders sa kanilang serye ng enkuentro sa regular seasons laban sa Lions. Ang unang laban nila ay sa Detroit noong 1970. Ang huling laban ng Pilak at Itim at Lions ay ginanap sa O.co Coliseum noong Disyembre 18, 2011, kung saan naghagis si QB Carson Palmer ng 367 yarda at si WR Darrius Heyward-Bey ay nakasalo ng 155 receiving yarda bagama't talo sila.

Ang Coach at kanyang rekord: Ang nagdadala sa Lions ay si Jim Schwartz, na nasa ika-apat na taon na head coach ng Detroit. Pagkaraan ng kanyang unang season noong 2009 nang gumawa lamang ng 2-14 na record, dinala niya ang Lions sa 10-6 noong 2011 at umabot sila sa playoffs sa kauna-unahang beses mula 1999.

Huling limang season na enkuentro:

Pinaghandaan ng Raiders ang Lions sa Oakland noong Agosto 25, 2006, at tinalo nila ang Detroit sa iskor na 21-3. Nasalo ni WR Randy Moss ang 102 yards at umiskor ng dalawang TDs at si RB Justin Fargas ay gumawa ng 62 yarda sa 10 beses na pagdadala.

Halos 20 taon pagkaraan ng kanilang huling enkuentro sa preseason, tinalo ng Raiders ang Lions ng 23-17 sa Oakland noong Agosto 18, 2000.

Ang unang pagtatagpo ng Raiders at Lions sa preseason ay noong 1974 at nanalo ang Raiders ng 41-10. Muling nakaharap ang Detroit sa sumunod na preseason ng 1975, at sila'y panalo ng 34-0. Hindi na muli nakalaban ng Pilak at Itim ang mga Lions, hanggang sa 1982 nang sila ay dumayo sa Detroit at sila'y nadapa ng 30-16.

Mga Palabok ng Istorya

Ang enkuentro ng The Raiders vs. Lions ay ang unang laro matapos isasara ng Raiders 2012 Training Camp sa Napa. Ito rin ang huling laro nila bago babawasan ang team sa 75 katao.

Ang kasalukuyang defensive coordinator ng Lions na si Gunther Cunningham ay dating coach sa Los Angeles Raiders ng apat na taon (1991-1994). Isang taon na nagsilbi siya na linebackers coach, dalawang taon bilang defensive coordinator at isang taon bilang defensive line coach. Noong siya ay Raiders defensive coordinator, ang depensa ng Raiders ay nakalista sa Top 10.

Mga Pinili ng Lions sa 2012 Draft

Rawnd

Pwesto

Ngalan

Paaralan

1

T

Riley Reiff

Iowa

2

WR

Ryan Broyles

Oklahoma

3

CB

Dwight Bentley

UL-Lafayette

4

LB

Ronnell Lewis

Oklahoma

5

LB

Tahir Whitehead

Temple

5

CB

Chris Greenwood

Albion

6

DB

Jonte Green

New Mexico State

7

LB

Travis Lewis

Oklahoma

Mga Tampok na Kinuha ng Lions

WR Jarett Dillard (Jacksonville), DE Everette Brown (San Diego and Carolina), P Ben Graham (DET, ARI, NO, NYJ, ARI, NYJ), CB Jacob Lacey (Indianapolis).

Raiders vs Lions, Biyernes, Agostot 25, KICU TV 36.
Ticket Info | Preseason Live

Itutuloy ang serye sa ating pagtingin sa Seattle Seahawks sa Lunes at ang unang kalaban nila sa regular season na San Diego Chargers, sa Miyerkules Hunyo 27.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising