Dinaig ng Bengals ang Raiders, 34-10

112512-gamecenter-cp.jpg

Nanalo sa pambungad na coin toss ang Bengals at ipinagpaliban ang kanilang pagtanggap ng bola sa 2nd half. Pinili ng Raiders na tanggapin ang opening kickoff. Sinalo ni CB Coye Francies ang opening kickoff ni K Mike Nugent at dinala niya sa Raiders 22. Dalawang beses na tumakbo si FB Marcel Reece at gumana siya ng 13 yarda para sa first down subali't na-sack ng Bengals si QB Carson D Palmer ng dalawang beses at napuersa na mag-punt ang Raiders. Ang 51 yarda na punt ni P Shane Lechler ay sinalo ni CB Adam Jones at dinala niya sa Cincinnati 42.

Pagkaraan ng kanyang 48 yarda na tinakbo mula sa 49 yardline sa 3rd and 1 ay umiskor ng touchdown si RB BenJarvus Green-Ellis nang tawirin niya ang isang yarda para sa goal line. Kasama ang extra point ay itinala ang 7-0 na lamang ng Bengals sa 9:12  sa orasan ng 1st kuwarter.

Ang kasunod na kickoff ay sinalo ni Francies at dinala niya sa Oakland 25. Na three-and-out ng Bengals ang Raiders at nag-punt sila. Sa Bengals 12 nag-umpisa ang Cincinati matapos na ma-penalty sila dahil sa illegal block. Dinala ni QB Andy Dalton ang mga Bengals sa kahabaaan ng 88-yarda at tinapos niya ito ng 2-yarda na pasa kay WR Mohamed Sanu para sa TD. Pumasok din ang extra point at lumamang ang Bengals ng 14-0 sa 2:59 ng 1st kuwarter.

Si Francies muli ang sumalo sa kasunod na kickoff, pero agad na-three-and-out sila. Pinabagsak ni RB Taiwan Jones si Adam Jones na sumalo sa punt ni Lechler at nabawasan ng 6-yarda ang posisyon ng Bengals. Binawian din ng Raiders ang Bengals ng isang three-and-out. Ang punt ni P Kevin Huber ay na-out of bounds sa Oakland 29.

Nahinto ang atake ng Raiders sa 46 at nagpunt si Lechler sa 4th and 3. Nag-fair catch si WR Brandon Tate sa Bengals 11. Dinala ni Dalton ang Bengals sa hangad na 89-yarda at tinapos niya ang pagsugod nang pasahan niya ng 5-yarda si Sanu para sa touchdown. Naging 21-0 na ang iskor sa 7:28 sa 2nd kuwarter.

Si Francies ang nagbalik sa kickoff, at umabot ang atake ng Raiders sa gitna ng field pero nahinto sila sa tinangkang 4th and 1. Nag-take over ang Bengals at sumipa sila ng 48-yard na field goal ngunit nagmintis sa kanan ang sipa ni Nugent at bumalik ang bola sa Raiders sa kanilang 48. Nawala nila ang bola nang pasahan ni Palmer si FB Marcel Reece at tumalbog ang bola sa kamay niya at naagaw ang bola.

Pagkatapos ng dalawang play, sumipa si Nugent ng 55-yarda na FG at pumasok ito kaya 24-0 na ang iskor sa halftime.

Sa ikalawang half ay si K Sebastian Janikowski ang sumipa ng opening kickoff at umabot ito sa endzone, kaya nag-start ang Bengals sa kanilang 20. Three and out muli ang Bengals. Ibinalik ni CB Phillip Adams ang punt sa 50-yard line. Hindi gumana ang drive pero sumipa si Janikowski ng 55-yarda na field goal. Umiskor na rin ang Raiders at ang lamang ng Bengals ay 24-3 sa 10:28 ng third kuwarter.

Sa mga sumunod na play ay nagbawian ng three-and-out ang Raiders at Bengals. Naka-rekord ng sack si LB Philip Wheeler sa second down. Nang mag-take over ang Oakland sa kanilang 48, dinala ni Palmer ang Raiders sa kahabaan ng 52-yarda hanggang sa goal line at tinapos niya ito ng 20-yarda na pasa kay WR Denarius Moore. para sa touchdown. Pumasok din ang extra point at nabawasan ang lamang ng Bengals sa 24-10 sa 2:21 ng 3rd kuwarter.

Lumipad sa likod ng end zone ang kasunod na kickoff na sinipa ni Janikowski kaya touchback ito at nagsimula ang Cincinnati sa kanilang 20. Na-sack ni  DE Matt Shaughnessy si Dalton at na-three-and-out ang Bengals. Ibinalik ni Adams ang punt ni Huber sa Oakland 44.

Nag-fumble si Palmer sa Oakland 46 at narekober ni LB Rey Maualuga ang bola para sa Bengals. Naitakbo ang bola ni Green-Ellis ng 38 yarda at kinapos ng 1-yarda bago sa goal line. Nadepensahan ng Raiders ang goal line at hindi nakatawid ang Bengals para sa touchdown. Sumipa na lang ng field goal si Nugent at tumaas sa 27-10 ang lamang ng Bengals sa nalalabing12:29 ng palaro.

Si Francies ang sumalo sa kasunod na kickoff at ito ay na-touchback. Lumampas ang atake ng Raiders sa gitna ng field pero nabigo ito at nag-punt si Lechler.

Pagkaraan ng mga magugulong pangyayari na kabilang dito ang ilang nagkasala ng penalty at tatlong player na pinalayas ng reperi, at sumugod ang Bengals sa loob ng teritoryo ng Raiders. Tinamaaan ni Dalton si TE Jermaine Gresham para sa 7-yarda na TD. Lumamang ng 34-10 ang Bengals sa huling 3:39 ng palaro.

Nabigo ang atake ng Raiders sa sumunod na posesyon nang di nakumpleto ni Palmer ang pasa sa 4th and 10 at bumalik ang bola sa Cincinnati. Inubos na lang ang oras ng Cincincati hanggang sa nagwakas ang palaro.

Bumaba sa 3-8 ang rekord ng Raiders sa season at kanilang haharapin ang Cleveland Browns sa O.co Coliseum sa darating na Linggo.

This article has been reproduced in a new format and may be missing content or contain faulty links. Please use the Contact Us link in our site footer to report an issue.

Advertising